Yasmien Kurdi, kahanga-hanga sa pag-graduate bilang magna cum laude

Yasmien Kurdi, may sorpresa para sa kanyang ina sa kanyang graduation
by PEP Troika
Apr 6, 2019
Yasmien Kurdi on graduating magna cum laude: “Gusto ko rin po kasing ma-inspire ang ibang tao, lalo na sa mga working students na never give up lang po."

GORGY RULA: Ga-graduate si Yasmien Kurdi sa kursong Political Science mula sa Arellano University ngayong Sabado ng hapon, Abril 6, sa PICC.

Dadalo sa graduation rites ang kanyang asawang si Rey Soldevilla at anak nilang si Ayesha.

“Siyempre, masaya po ako na finally, sa hinaba-haba ng taon natapos na rin ako,” masayang pahayag ng bida ng Hiram na Anak nang nakausap namin siya sa radio program namin sa DZRH noong Abril 4, Huwebes ng gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kabilin-bilinan ni Yasmien ay dapat dumalo ang mommy niya sa kanyang graduation dahil meron siyang surprise sa kanyang ina.

“Meron akong surprise para sa mom ko this Saturday na hindi ko ini-expect na makukuha ko sa graduation.

“Kaya sobrang excited ako sa magaganap sa Sabado,” pahayag ni Yasmien.

Nakiusap siyang huwag daw muna naming isulat at baka mabasa raw ng mommy niya.

Gusto niya kasing doon na malaman ng mommy niya na isa pala siya sa honor list na maga-graduate.

“Hindi niya po alam talaga.

“Kahit ako rin, nagulat po,” text sa akin ni Yasmien nang nakalkal ko na isa pala siya sa talaan ng magna cum laude.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kahit paano, nakabawi si Yasmien sa mommy niya na nagtampo sa kanya noon nang maaga siyang nag-asawa.

Gusto lang ni Yasmien na patunayang kapag may determinasyon ka, makakamit mo ang inaambisyon mo sa buhay.

“Gusto ko rin po kasing ma-inspire ang ibang tao, lalo na sa mga working students na never give up lang po.

“Hindi rin siya talagang madali for you. Nakakapagod naman talaga kung pagsabay-sabayin mo.

“Pero kung meron ka talagang gustong gawin, wala naman talagang imposible,” masaya niyang pahayag.

Walang balak ang Kapuso actress na tumuloy sa Law, pero kung maayos niya ang schedule niya, gusto raw niyang ituloy ang pag-aaral sa Counsellor Diplomatic Service.

Sa ngayon ay masaya na siya dahil nakapagtapos na siya at okay ang takbo ng career niya lalo na’t maganda raw ang feedback sa drama series niyang Hiram na Anak na napapanood bago mag-Eat Bulaga.

JERRY OLEA: Ipinaglaban ni Yasmien ang pag-ibig niya kay Rey. Kaya maligaya sila ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala siyang regrets sa kanyang paninindigan.

Mabuhay ka, Yasmien! Tunay kang inspirasyon!

NOEL FERRER: Nakaka-proud ang mga artistang no matter what age ay pursigidong matapos ang pag-aaral; more so, ang mag-excel pa rito.

One actually attends graduation for the parents, kasi, parang achievement ito ng mga magulang na makitang nagtatapos sa pag-aaral ang kanilang anak.

But this is doubly inspiring, kasi magandang halimbawa ito sa anak ni Yasmien—para pagsumikapan pa nilang todo ang kanilang pag-aaral.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kaso ni Yasmien sa mga nasa showbiz na kung gugustuhin, may paraan para magtapos ng pag-aaral.

At least may ibang skill at fallback ang mga nakapag-aral beyond showbiz, di ba?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yasmien Kurdi on graduating magna cum laude: “Gusto ko rin po kasing ma-inspire ang ibang tao, lalo na sa mga working students na never give up lang po."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results