Sylvia Sanchez, dedma na sa mga isyung Arjo-Maine


JERRY OLEA: Hindi kasama ni Sylvia Sanchez ang mga anak niyang sina Arjo at Ria Atayde sa gala screening ng indie movie niyang Jesusa nitong Sabado, Abril 6, 6:30 PM sa Dolby Atmos Cinema ng Gateway Mall, Araneta Center, Quezon City.

“Nasa Cebu yata si Arjo,” sabi ng katotong Reggee Bonoan na malapit sa pamilya ni Sylvia.

As much as possible, ayaw nang pag-usapan ni Sylvia ang isyu tungkol kina Arjo at Maine Mendoza dahil paulit-ulit na lang.

Noong isang araw lang sa presscon ng renewal niya bilang endorser ng Beautederm, inurirat iyon sa aktres.

Pero umamot ng suporta si Sylvia para sa Stranded movie ni Arjo with Jessy Mendiola na showing sa April 10, Wednesday.

Ang Jesusa ay isa sa official entries ng 5th Sinag Maynila indie filmfest.

Sa awards night nito bukas, hindi nag-e-expect si Sylvia na tanghaling Best Actress.

Ang importante sa kanya, nagampanan niyang mabuti ang papel na iniatang sa kanya.

Kung magka-award, bonus na lang daw yun para sa kanya.

GORGY RULA: Kapag tungkol sa relasyong Arjo at Maine, pati na rin kina Ria at JM de Guzman, ayaw na talagang magsalita ni Sylvia.

Ayaw pa rin kasi siyang tigilan ng bashers.

Ayaw naman daw niya magpaapekto, para na rin sa ikatatahimik ng mga anak niya.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN