JERRY OLEA: Pinalakpakan ang gala screening ng Jino to Mari nitong nakaraang Sabado ng gabi, Abril 6, sa Cinema 9 ng Gateway Mall, Araneta Center, QC.
Matapos ang palabas, nilapitan ni Richard Quan ang bidang lalaki na si Oliver Aquino para batiin sa matapang nitong pagganap.
Maging si Direk Elwood Perez ay nag-congratulate kay Oliver, at puring-puri pati ang ka-partner nito sa movie na si Angela Cortez.
Inurirat namin si Oliver kaugnay sa pangatlong sex scene nila ni Angela, kung saan napaluha siya at nagsuka.
“Masakit, masakit talaga siya e,” maigting na sambit ni Oliver.
“Natural po ‘yon. Naiyak po talaga ako. Iyak po talaga ako nang iyak.
“Nasuka po ako talaga. Totoo po ‘yon!
“Ang daming et*ts sa harap ko! Oh, shit! Oh, shit!”
GORGY RULA: Naiyak. Nasuka. Grabe ang hirap ni Oliver sa Jino to Mari, na idinirek ni Joselito Altarejos.
Sana mapansin si Oliver sa pelikulang ito.
Kung hindi naman umabot sa mainstream, limitado pa rin ang nakapanood.
Teka! Si Direk Brillante Mendoza ang bumuo ng story nito.
Executive producers sina Direk Brillante at Wilson Tieng, na mga pangunahing puwersa ng Sinag Maynila.
Nasa cast din ng Jino to Mari sina Perry Escaño, Ruby Ruiz, Sherry Lara, Maureen Mauricio, Sophie Warne, Aubrhie Carpio, at Mitsuaki Morishita.
NOEL FERRER: May the best films and individuals win later sa awards!
Nang makausap ko si Direk Brillante kagabi sa radio program kong LEVEL UP, ang sabi niya, under Centerstage at Solar Films ang entries.
Will this make Oliver Aquino finally win an award? O ibibigay pa rin ba ito kina Joem Bascon o Allen Dizon?
Sa Best Actress, magwawagi na kaya si Sylvia Sanchez dahil sa much talked about mala-Nora Aunor acting niya sa Jesusa, o maa-upstage ba siya ng bagong artistang si Angela Cortez?
Aabangan natin ‘yan mamaya!
JERRY OLEA: Feeling ba ni Oliver, magiging Best Actor siya sa Sinag Maynila 2019 awards night mamaya sa Forbes Ballroom ng Conrad Hotel?
“Naku! Mahirap po yun, eh! Mahirap po yung feeling.
“Kaya hayaan na lang po natin,” tugon ni Oliver.
“Kung mangyari, thank you. Kung hindi, ahh... I did my best.”
MUST WATCH para sa cineastes ang Jino to Mari.
Mapapanood ito ngayong Abril 7, Linggo, 6:30 PM sa Black Maria, at 9:00 PM sa SM Megamall & Cinema ’76 Anonas; Abril 8, Lunes, 1:30 PM sa Gateway Mall, Cubao, QC at 6:30 PM sa Cinema ’76 Anonas; Abril 9, Martes, 6:30 PM sa Gateway Mall at Black Maria.