Hunky model Kirst Viray, gaganap bilang Kristo

IMAGE Jerry Olea

JERRY OLEA: Bida ang hunk model na si Kirst Viray sa senakulong Kristo MMXIX, na itatanghal nang libre sa Abril 10, Miyerkules ng 7 P.M., sa Tanghalan ng Masa, San Juan City, MM.

Di ba masyadong pogilicious yummylicious si Kirst bilang Kristo? Baka pagnasaan siya!

“Kung iisipin mo, wala namang mukha si Kristo talaga, di ba?” paliwanag ni Roni Bertubin, direktor ng senakulo, nang matsika namin sa rehearsal nitong Abril 7, Linggo, sa Pinaglabanan Elementary School ng San Juan City.

“Sino tayo para mag-judge? Baka nga mas guwapo pa si Kristo in reality, di ba?

“Baka mamaya, iba pa rin talaga ang hitsura Niya.”

Ampogi-pogi ni Mat Ranillo III noong nagki-Kristo ito sa senakulo.

Direk Roni Bertubin

“Kanya-kanya tayo ng look. Ito yung Pinoy na version,” sambit pa ni Direk Roni.

“Hindi siya mestiso. Pwedeng maka-identify kahit sino. Pero yung amo ng mukha niya, nandoon, eh.”

Nasa cast din ng senakulo sina Valerie Concepcion (bilang Maria Magdalena), Nico Gomez, Angelo Estrada, at ang San Juan City Cultural Performing Arts Group.

Ang senakulo ay handog ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan.

Nico Gomez, Kirst Viray, Direk Roni Bertubin, Valerie Concepcion, and Angelo Estrada

GORGY RULA: Matagal na ring gusto ni Kirst na subukan ang showbiz.

Pumayag na nga siyang magpagamit kay Kiray Celis, pero waley pa rin.

Namamayagpag naman siya sa modelling kaya okay na iyan.

Sinubukan kaya ni Kirst magpa-audition sa PBB? Baka puwede siyang susunod na Zanjoe Marudo, e.

NOEL FERRER: Magandang training ang theater sa iba pang larangan ng acting.

Sana, mapatunayan ni Kirst na hindi lang siya pang-model kundi pang-acting din!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN