Coco Martin, sobrang busy kaya walang time sagutin ang mga isyu

IMAGE Noel Orsal

JERRY OLEA: Dalawa ang bagong pelikula ni Direk Brillante Mendoza kung saan bida si Piolo Pascual—ang Lupang Hinirang at ang Bayang Magiliw.

Matatagalan pa bago maidirek muli ni Brillante si Coco Martin.

Masyadong abala si Coco sa taping ng teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano, na kung minsan ay for airing na kinabukasan ang kinukunang eksena.

Bali-balita ring may gagawing horror movie si Coco para sa MMFF 2019.

“Actually, madalas kaming mag-usap ni Coco. Gusto na talaga namin. Madalas din kaming magkita about that,” kuwento ni Direk Brillante nang makausap ng PEP Troika sa awards night ng Sinag Maynila 2019 nitong Abril 7, Linggo, sa Conrad Hotel.

“Pero sabi ko, ‘Huwag tayong gagawa ng ano lang, ng hindi siya napaghandaan.’ So...”

Kailangang tapusin muna ang FPJ’s Ang Probinsyano bago maidirek niya itong muli?

“Siguro dahil sobrang kinakain ang schedule niya ng Probinsyano!” bulalas ni Direk Brillante.

“Monday to Friday, so wala talaga siyang oras. Actually, wala rin siyang oras para sa sarili niya.”

GORGY RULA: Busy si Coco kaya huwag na muna natin siyang abalahing aminin ang panganganak ni Julia Montes.

Hintayin na lang natin ang tamang panahon kung kailan siya magsasalita tungkol sa isyung ito.

Pero itong isyung panganganak ay hindi talaga puwedeng itago, kaya lalabas at lalabas ang totoong kuwento.

Bukod sa inilabas na report ng PEP.ph, may ilang taga-Cornerstone akong napagtanungan na hindi na lang sumagot. Kaya hindi ko na pinilit.

Isang close friend ang nagsabing sa Cardinal Santos nga raw nanganak, ayon sa ilang doktor na nagpatanungan niya.

Kaya huwag na natin silang i-pressure. Hintayin na lang natin ang kanilang pag-amin.

Hindi nila ito puwedeng itago forever. Unfair sa bata.

NOEL FERRER: Nagbukas ng panibagong yugto si Coco ng FPJ’s Ang Probinsyano nang mawala at mamatay ang mga tauhang tumatakbo sa eleksyon.

Kaya sa pag-alis nina Lito at Mark Lapid, Rommel Padilla, Roderick Paulate, Jhong Hilario, Edu Manzano at iba pa, may mga bagong personalidad na kapalit.

Epektibo si Lorna Tolentino bilang Lily na kumokontrabida ang dating ngayon.

Then, comes Raymart Santiago who plays a CIDG boss na dapat ally ng presidente niyang kapatid na si Rowell.

Isang dream come true rin na kasama na si Cogie Domingo sa nasabing long-running at high-rating teleserye bilang hands on military CIDG personnel din, bago pa man siya sumabak sa bagong teleserye ng Dreamscape na Sandugo.

At least, natuloy na si Cogie sa pagbabalik-telebisyon.

Sana mapangatawanan, di ba, Tito Jerry at Tito Gorgy?!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN