Glaiza de Castro, abala sa negosyo sa Baler habang walang teleserye


GORGY RULA: Katatapos lang ng special participation ni Glaiza de Castro sa Sahaya, kaya nagbabad muna siya ngayon sa itinayo niyang negosyo sa Baler, Aurora.

“Meron akong itinayong bed and breakfast dito sa Baler.

"Puwede niyo po i-check sa Instagram at sa Twitter ang Casa Galura,” pakli ni Glaiza nang nakausap ko sa radio program namin sa DZRH noong nakaraang linggo.

View this post on Instagram

Recently made a trip to Baler ( again! bilang finally, may masasabi na akong probinsya ???? ) and was humbled by the camaraderie we've developed with the other locals in just four days. It started with the idea of opening our Bed & Breakfast, so I hooked up with @telayrobles of @staysaltyco.ph to come up with a simple gig and itinerary to be organized by @galuratravel. Then as we're brainstorming and meeting with some local businesses in Baler, the support that we got was overwhelming. From getting the venue right away @aliyasurfcamp.baler, to partnering with an organization @oceancaremovement, and some local cafes and restos @mommyphoebesbaler @charlie.does, its as if everything is falling into place. So we present you #LeaveToLive, a surf, yoga and music fest that aims to encourage hardworking people to invest in experiences rather than material things and make them part of something beyond what they've gotten used to. So swipe for more details about the event! Special thanks to @ocrecordsph for providing us these wonderful artists! Aaaahhh ang suryal ??????????????‍??????‍??

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux) on

Wala pa siyang kasunod na gagawin sa GMA 7. Nag-guest lang siya sa Sahaya.

Habang naghihintay kung ano ang susunod na ibibigay sa kanya ng GMA-7, gusto muna ni Glaiza magpaka-busy sa bagong negosyo dahil yun ang gusto ng parents niya.

“May mga times naman din na, for example, after ng soap, di ba? May mga times din na hindi naman kami magsu-soap agad, or we want to do other things.

“At least, may fallback. Saka yung family ko talaga, mahilig talaga sila mag-business.

“Ever since noong bata ako, marami silang itinayo na business para suportahan kami.

"And I think, itong business na ito ay hindi sila mai-stress dahil kami na yung magtatrabaho para sa kanila, at sa environment sila na relaxing at hindi nila kailangan na magpuyat.

“Hindi na nila kailangang mag-drive para sa akin na dati nilang ginagawa.

"At mas maganda ang simoy ng hangin dito sa Baler, sa totoo lang,” sabi pa ni Glaiza.

Tingin kasi ni Glaiza, tama na yung binabantayan siya sa taping ng parents niya, kaya okay na yung may inaasikaso na silang negosyo.

JERRY OLEA: Matagal nang wala si Glaiza sa poder ng talent manager na si Manny Valera.

Ganoon pa man, masaya pa rin si Manny para kay Glaiza at nakakapagpundar na ito ng mga negosyo.

“She deserves it dahil magaling siyang artista at masipag,” sabi ni Manny nang maka-chat namin nitong Abril 8, Lunes nang gabi sa Messenger.

GORGY RULA: Ang isa pa sa pinagkakaabalahan ni Glaiza ay ang event na binubuo niya sa kanyang resort sa Baler.

Tinawag niya itong Leave and Live na gaganapin sa Casa Galura sa Mayo 10 hanggang 12.

“Para ito sa mga working people na nagtatrabaho from Monday to Friday na naghahanap ng getaway nila.

“Eto, wala na silang poproblemahin. Kasi, personally po ako kapag… siyempre pag nagbabakasyon ako, nagri-research pa rin ako kung saan ako pupunta, e.

“Medyo may konting challenge pa rin when it comes to what accommodation ako magbu-book or what type of activity I should do. Siyempre, yung mga logistics, medyo nakaka-hassle pa rin.

“So, para sa mga busy working people, kami na ang mag-a-arrange for them.

"Ang gagawin na lang nila, pumunta rito sa Baler at mag-relax,” saad ng Kapuso actress.

Sa mga interesado, puwedeng mag-book sa Facebook account ng Galura Travel International Company.

NOEL FERRER: Akala ko, susubukan ni Glaiza na mag-aral abroad? Sana, ituloy pa rin niya yun!

Good luck sa bagong business at iba pang pinagkakaabalahan niya.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN