Arjo Atayde, out of the country sa Holy Week kasama si Maine Mendoza?

IMAGE Jerry Olea

GORGY RULA: May statement ba si Jessy Mendiola sa blonde hair niya?

"Wala lang,” sabi ng aktres nang makausap namin sa premiere night ng pelikula nila ni Arjo Atayde na Stranded nitong Abril 8, Lunes.

“Naisip ko lang, baka hindi ko na magawa ‘to pag matanda na ako.

"Panget naman po kung may baby na ako, saka ako magpaganito.”

Tinanong namin si Arjo kung darating ba si Maine Mendoza sa premiere.

“Sa work po, e," matipid na sagot ng Kapamilya actor.

Hindi pa alam ni Jessy kung magpapa-block screening ang boyfriend niyang si Luis Manzano dahil two weeks daw silang mawawala para magbakasyon.

Sinabi rin ni Arjo na out of the country siya sa Holy Week "with friends po.”

Ngiti lang ang sagot ni Arjo nang binanggit namin kung makakasama ba niya si Maine.

Sinundan uli namin ng tanong kung agree ba siya sa sinabi ng mommy niyang si Sylvia Sanchez na good influence si Maine sa kanya.

“Opo," sagot lang ni Arjo.

Binigyan ng CEB ng Grade B ang Stranded, na magsu-showing na sa Abril 10, Miyerkules.

JERRY OLEA: Hopefully ay mas malakas sa takilya ang Stranded kesa sa ‘Tol, kung saan bida rin sina Arjo at Jessy.

Kasabay ng Stranded ang showing ng pelikulang Last Fool Show nina JM de Guzman at Arci Muñoz, ganoon din ang Hollywood reboot ng Hellboy.

Mag-ex sina Jessy at JM. Si Arjo ay kapatid ni Ria Atayde, na nali-link ngayon kay JM.

Magkatambal din sina JM at Arci sa upcoming Kapamilya teleserye na Kapalaran, kung saan nasa cast din si Sylvia.

Handa si JM na suportahan at panoorin ang movie nina Arjo at Jessy.

Si Jessy kaya, kering panoorin ang movie nina JM at Arci?

NOEL FERRER: Kung pelikulang Pilipino rin lang na may kabuluhan ang pipiliin, aside from the two mainstream films na magbubukas, magandang balita sa akin na extended ang entries ng 5th Sinag Maynila indie filmfest sa piling mga sinehan hanggang Holy Week.

At least, may panahon pa tayo para maghabol ng mga magagandang panoorin!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN