GORGY RULA: Pinag-iisipan ni Luis Manzano na magpa-block screening sa pelikulang Stranded kahit wala sila ni Jessy Mendiola sa bansa.
Naka-schedule na kasi silang umalis pa-Japan para magbakasyon at madalaw na rin daw ni Jessy uli ang sister niya sa Okinawa, Japan.
Pahayag ni Luis, “Dadalawin namin yung kapatid niya uli sa Japan. Pagkabalik namin, eksaktong birthday ko naman.
“Puwede kaming magtagal doon, extend pa nang konti.
"Pero gusto ko naman, pag nag-birthday ako, dito ako sa Manila, siyempre kasama yung pamilya."
Sandali naming nakatsikahan si Luis sa premiere night ng pelikulang Stranded, nitong Abril 8, Lunes, sa SM Megamall.
Biro ni Luis, kung puwede lang magpa-mall screening, gagawin niya para sa pelikula ng girlfriend.
“Kahit magpa-mall screening ako, yung buong mall na pag pumasok ka ng mall, wala kang choice, kailangan mong manood!” natatawang sabi ni Luis.
“Hindi ko alam kung magkakaoras, pero siguro, kaya kong magpa-block screening para sa ibang mga kaibigan ko. Kasi, paalis na rin kami...
"Hindi ko na nga iniisip na tulong in terms of box office, pero para marami pang maka-enjoy sa movie,” sabi pa ng Kapamilya actor-TV host.
Gustung-gusto kasi ni Luis ang pelikula at natangay raw siya sa karakter na ginampanan nina Arjo at Jessy.
“Sabi ko nga, pag nakapanood ka kasi ng isang movie, 'tapos yung on screen, yung significant other mo, pero kinikilig ka pa rin, it means they’re doing something right sa role nila.
“Hindi ko nakikita yung significant other ko, ang nakikita ko, yung pinu-portray nila na mga karakter.
“So, kahit nagkita uli yung sina Julia [Jessy Mendiola] at Spencer [Arjo Atayde], alam mong mangyayari ay kinilig ka pa rin,” pahayag ni Luis.
NOEL FERRER: After The Girl In The Orange Dress and Tol, heto na ulit ang test sa box-office appeal ni Jessy Mendiola.
Good gesture ang magpa-block screening on the part of Luis, who has always been supportive of Jessy at laging nandun sa premiere ng mga pelikula niya.
Parehong naka-Grade B sa Cinema Evaluation Board ang Stranded nina Jessy at Arjo at Last Fool Show nina Arci Muñoz at JM de Guzman.
B as in magiging Bongga kaya ang mga ito sa Box-office or Bomb? Let’s wait and see!
GORGY RULA: Seryoso si Jessy sa pahayag niyang sana ay maganda ang resulta ng Stranded sa box office, dahil hindi raw maganda ang kalagayan ng local movie industry.
"Alam naman natin ang struggle ng movie industry natin ngayon.
"Hopefully, ang mga tao, sumuporta kahit hindi lang sa pelikula namin, sa mga kasabay namin na Pinoy films.
"Kasi, pinaghirapan natin ito, e. Sayang naman kung hindi ma-appreciate yung sariling atin,” saad ni Jessy.
Naaliw kami at maganda ang feedback sa pelikula.
Pero natawa lang kami sa komento ng ilang nanood sa bandang likuran namin na parang kamukha raw ni Alden Richards si Arjo.
Sa totoo lang, may ilang anggulo na mala-Alden si Arjo dahil sa malalim din niyang dimple.
Agree kaya diyan ang AlDub fans?
JERRY OLEA: "These are exciting times for cinema!" sabi ni Ma'am Charo Santos sa presscon noon ng horror movie nila ni Bea Alonzo na Eerie sa Trinoma.
Sabi ko noon sa presscon, pagkatapos ng Valentine movie ng LizQuen ay itong Eerie ang kikita sa takilya.
Aba! Ito ngang Eerie ang sumunod sa Alone/Together na umabot sa PHP100M-mark.
Maganda ang playdate ng Eerie sa pagitan ng Captain Marvel (Marso 6 nagbukas) at Avengers: Endgame (Abril 24 mag-o-open).
Papanoorin ng moviegoers ang mga pelikulang gusto nilang panoorin.
Otherwise, manonood na lang sila ng finale season ng Game of Thrones sa HBO—o ng mga palabas sa iWant, Netflix, iflix at iba pang digital streaming platforms.