Lassy Marquez, walang malisya kay Hashtag Kid Yambao

IMAGE Jerry Olea

JERRY OLEA: Namula at namaga ang dibdib ni Hashtag Kid Yambao sa mga tampal at suntok ni Lassy Marquez sa confrontation nila sa pelikulang Two Love You nitong Abril 9, Martes ng hapon, sa Sta. Teresita St., Sampaloc, Manila.

Tagos sa puso, bituka, at balun-balunan ni Lassy ang ngitngit kay Hashtag Kid, at nangangatal-ngatal pa siya matapos mag-cut si Direk Benedict Mique.

Nang mahimasmasan si Lassy ay nag-picture-picture na sila nina Hashtag Kid at Yen Santos.

Ang landi-landi! Ang harot-harot ni Lassy sa paglingkis kay Hashtag Kid, at nag-nose-to-nose pa sila, habang nakatingin sa kanila si Yen.

Napangiwi si Lassy nang laru-laruin ni Hashtag Kid ang kanyang right nipple.

Nanindigan si Lassy na wala siyang malisya kay Hashtag Kid.

“Parang siya yata ang may malisya sa akin. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” mataginting na halakhak ni Lassy.

“Kasi, bihira siyang humawak ng kagaya ko... exotic! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Parang iguana, yung pala-dila! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Ano ang turing niya kay Hashtag Kid? Iba siya pag in character at may kamera. Paano kung off cam?

“Actually, kahit off cam, ganoon din, e. Ganoon din sa movie na ginagawa namin,” saad ni Lassy.

“Boyfriend-boyfriend ko. Nila-love ko. Pero walang malisya.”

Ang hirap nun!

“Oo. Pero kailangang damahin mo talaga yun.”

Walang sex?

“Wala! Mukhang magkakaroon pa, off cam. Charot! Ha! Ha! Ha! Ha! Charot! Ha! Ha! Ha!” masayang pagbibiro pa ni Lassy.

NOEL FERRER: Sa panahong medyo matamlay ang pagsuporta ng audience sa pelikulang Pilipino, sana ay may mapunan na pangangailangan sa ating kababayan ang pelikulang Two Love You nina Lassy, Yen, at Kid Yambao para tangkilikin nila ito.

GORGY RULA: Medyo nanganganib din ang project na iyan kung kakayanin o hindi.

Pero nakakatuwa dahil meron pa rin talagang nangangahas mag-produce ng pelikula. Kaya tuluy-tuloy pa rin ang trabaho.

Wala akong kumpiyansa kina Hashtag Kid at Lassy na papanoorin sila ng moviegoers.

Kay Yen Santos ako medyo may pag-asa.

Tiyak na susuportahan ang pelikulang ito ng maimpluwensiyang taong nali-link sa kanya.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN