Liza Diño, bilib sa tapang ng lead stars ng Jino To Mari

IMAGE Jerry Olea

JERRY OLEA: Bumilib si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman Liza Diño-Seguerra sa tapang ng istorya at mga artista ng Jino to Mari, isa sa official entries ng 5th Sinag Maynila indie filmfest.

Biniro nga ng direktor na si Joselito Altarejos si Chair Liza kung puwede ang Jino to Mari sa PPP (Pista ng Pelikulang Pilipino), ang flagship program ng FDCP (Film Development Council of the Philippines).

Natawa nang bonggang-bongga si Chair Liza.

Ano ang masasabi niya sa movie matapos itong mapanood?

“It’s such a powerful film,” sambit ni Liza matapos ang gala screening ng Jino to Mari noong Abril 6, Sabado ng gabi, sa Gateway Mall, Araneta Center, Quezon City.

“Sabi ko nga kay Direk, it’s the kind of film that I’ll be more than willing to do.”

Kaya niyang gumanap na prosti o torera, gaya ng papel ni Angela Cortez sa pelikula?

“Pag ganyan na ang career ko, hindi na ako nag-e-FDCP chair!” paglilinaw ni Chair Liza.

“Ha! Ha! Ha! Ha! I mean, it’s a very powerful film.

"It’s a film that, I think, yun nga... it would take an actress that is... higher than sa paniniwala doon sa gagawin niya... is bigger than herself."

GORGY RULA: Naniwala ako kay Chair Liza Diño na kaya niya yung ginawa ni Angela Cortez sa Jino to Mari.

Pero siyempre, kung ngayon gagawin iyan, ibibigay na 'yan sa mas bata gaya ni Angela na magaling naman sa pelikulang yun.

Parang naalala ko si Hasmine Killip ng Pamilya Ordinaryo sa ginawang yun ni Angela.

Mas maganda lang talaga itong huli. Kaya sana, mabigyan ng iba pang project o kaya magkaroon ng break sa TV si Angela.

Kahit si Oliver Aquino, okay rin at may karakter ang mukha.

Nagulat lang ako na ganoon ka-daring ang pelikula, tapos R-16 lang ang ibinigay ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Dahil ba sa entry ito sa Sinag Maynila, para puwede nang mailusot sa SM Cinemas?

Sabi ng festival director na si Brillante Mendoza nang nakausap natin sa DZRH kagabi, April 9, mas mabuti kasing tingnan ang pelikulang ito sa inilahad na kuwento kung ano ang hirap na pinagdadaanan ng mga taong napasok sa trabaho ng paggawa ng porno.

Hindi yung pagka-porno ng pelikula.

NOEL FERRER: More than the porno and prosti acts, napakahusay ng paglalagay ng ibang elemento tulad ng pagkaka-juxtapose ng Undas footage, ng pagkatay ng karne sa palengke at iba pang visual representations, pati na ang audio na may tema ng pananakop.

Nakakadagdag ito sa mas makabuluhang kabuuan ng pelikula.

Sana, ma-extend pa ito beyond Sinag Maynila at mapanood pa rin in its integral version!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN