Dating sexy actor, nadarang sa katabing babae sa siksikang MRT


JERRY OLEA: Sumasakay ang isang dating sexy actor sa MRT paminsan-minsan.

Nagse-shades siya, nagsusumbrero o hooded ang suot para hindi masyadong mamukhaan.

Bakas sa katawan niya ang pagiging bortalicious.

Umiiwas sa rush hour ang dating sexy actor, hangga’t maaari.

Minsan, siksikan sa MRT, nakatabi niya ang isang seksing babae na kasama ang boyfriend nitong may hitsura kahit paano.

Nasasagi ng puwet ng babae ang harapan ng dating sexy actor, at nadarang ang dating sexy actor.

Nag-umigting ang litid-litid ng maselang bahagi ng dating sexy actor kahit nagpipigil ito.

Nagulat ang dating sexy actor, idiniin pa ng babae ang puwet nito sa nakaumbok niyang harapan.

Patay-malisya ang dating sexy actor, kahit parang lalagnatin siya nang mga sandaling iyon.

Sino si dating sexy actor?

Lumabas siya bilang rock superstar sa isang direct-to-video na palabas, tampok ang mga kasamahan niya sa isang all-male group.

May eksena sa isang mapangahas na pelikula kung saan pinapaligaya niya ang sarili habang pinapanood ang magkasintahang binata at dalaga na naglalampungan sa parola.

Teka! Paano pala pag hinipuan si dating sexy actor ng bading sa loob ng MRT?

Kukuwelyuhan ba niya ang bading, ibi-video, at dadalhin sa presinto?

Sabi ng dating sexy actor, “Maglalabas ako ng calculator.

"Sa unang hipo, sasabihan ko ang bading, ‘P500 iyan, ha?’

"Pag humipo pa nang humipo, siyempre madadagdagan ang sisingilin ko sa kanya.”

NOEL FERRER: Sa mainit na panahon, ang Hotman na ito ay nagmamaneho ng sasakayan.

Malay mo, masakyan mo ito minsan.

Ingat lang at baka kapag nainterbyu siya ng isang provocative YouTube channel ay maisiwalat pa kayo!

Mahilig din siyang maghugas kapag gabi.... ng kotse.

GORGY RULA: Nakaka-Ortigas!

Pero sa totoo lang, ang dami talagang kaganapan sa MRT na minsan, nagsimula sa padunggul-dunggol ng harapan, nagkakatinginan, walang kuwelyuhang nagaganap kundi sabay bumaba sa istasyon, at tumuloy sa magandang pagkakaibigan.

Hindi marahas ang ending ng ganoong titigan kundi isang masaya at masarap na relasyon.

Dagdag na kuwento tungkol dito kay dating sexy actor, naglalakad ito noon pauwi sa Mandaluyong malapit sa isang sosyal na hotel, namalayan niya ang kotseng sumusunod sa likuran niya.

Paglingon niya, bumati sa kanya ang lalaking nagda-drive ng kotse at tinanong kung anong oras na. Ang luma ng style, di ba?

Alam na niya ang ganoong style, pero nakaramdam siya ng takot dahil kilala niya iyung lalaking bumati sa kanya.

Kilala at magaling na aktor iyong bumati, at hindi niya lubos maisip kung ano talaga ang pakay ng aktor na yun.

Hindi siya makapaniwala kung bading ba ito dahil lalaking-lalaki ang dating nito.

Kaya hindi niya sinagot kung anong oras, at binilisan niya ang lakad.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN