Stranded nina Jessy Mendiola at Arjo Atayde, kumusta sa takilya?

IMAGE Noel Orsal

NOEL FERRER: Tunay bang box-office poison si Jessy Mendiola o nataon lang talagang sunud-sunod ang mga pelikula niyang hindi masyadong pumalo sa takilya?

Unfair ‘yang accusation sa kanya lang dahil collaborative project ang pelikula.

But the fact remains that her Regal film with Arjo Atayde, Stranded, just barely made P400k+ at the box office on its opening day.

Ang katapat naman nitong Last Fool Show (JM de Guzman & Arci Muñoz) made about P1.8M+ opening gross, na low performing for a Star Cinema movie.

Sana mapantayan ng init sa box office ang init ng panahon ngayon.

O mas pinipili na lang ba ng taong maghalo-halo na lang kaysa manood ng pelikula?

GORGY RULA: Gusto ko sana talagang mag-hit itong Stranded ng Regal Films, para na lang kay Jessy Mendiola.

Hindi kami close ng Kapamilya actress, pero isa ako sa nagwi-wish na makabawi siya rito sa Stranded matapos ang The Girl in the Orange Dress at ‘Tol.

Ayaw kasi siyang tantanan ng bashers na parang tuwang-tuwa kapag hindi maganda ang nababalita tungkol sa kanya. Kawawa naman.

Hindi nag-e-expect ng malaki si Mother Lily sa pelikulang ito, pero sana, medyo pumik-ap ito sa weekend. Maganda ang feedback sa pelikula, e.

JERRY OLEA: As of April 9, Tuesday, naka-P152.7M na ang horror movie na Eerie nina Bea Alonzo at Charo Santos.

Dalawang linggo na iyang showing. Nitong Abril 10, Miyerkules, may 100 sinehan pa ito.

Iyong Portrait of My Love nina Kiray Celis at Polo Ravales, na nakipagsalpukan sa Shazam noong Abril 3, ay kalunus-lunos din ang sinapit.

Reboot ng Hellboy ang binangga ng Stranded at Last Fool Show.

Miyerkules Santo na sa Abril 17 kaya walang bagong pelikulang magbubukas sa araw na iyon.

Abril 20, Sabado de Gloria, mag-o-open ang Dagsin.

Noong 2016 pa yata ang pelikulang iyon nina Tommy Abuel, Lotlot de Leon, Benjamin Alves, at Janine Gutierrez.

Endgame is coming.

Ipapalabas ang Avengers: Endgame sa Abril 24, Miyerkules.

Magandang playdate sana ang Mayo 1. Holiday. Bagong suweldo ang mga tao.

Pero dahil palabas ang Avengers: Endgame the week before... alam na!!!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN