Jericho Rosales, ayaw nang mag-teleserye pagkatapos ng Halik

IMAGE Jerry Olea

JERRY OLEA: Gaya ni Piolo Pascual, ayaw nang magteleserye ni Jericho Rosales matapos ang 23 taon na ginagawa niya ito.

Inihayag ito ni Jericho sa finale mediacon ng Kapamilya teleseryeng Halik nitong Abril 11, Huwebes ng hapon, sa R20 Hub events place, Mindanao Avenue, Quezon City.

“I don’t wanna do soaps anymore, and it is not a problem for me,” matatas na sambit ni Jericho.

“Do I want to stop TV? No.

"It’s time for me to challenge myself to create something new for myself. Hopefully, it works.”

Ga-graduate na si Jericho sa soap opera sa pagtatapos ng Halik in two weeks, pero tuloy ang kanyang pag-aartista.

Gusto niyang gumawa ng mga pelikula at mga digital content para sa iWant TV.

Gusto rin niyang mag-aral para maging scriptwriter, producer at direktor.

Three years ago pa nakapag-decide si Jericho na tumigil sa paggawa ng teleserye.

NOEL FERRER: Bakit ba umaayaw na ang A-listers na mag-teleserye?

Is it the story, the working atmosphere, the lack of artistic rewards or all of the above?

But in fairness, ang tingin ng ibang stars sa teleserye ay goldmine.

Dahil sa regular teleserye, marami na ring artista ang nakapundar ng bahay, sasakyan o negosyo dahil steady source of income ito.

Marahil, may sapat nang ipon si Jericho at gusto na niya ang mas relaxed na buhay pamilya.

Naiintindihan natin ang mga ganyan!

GORGY RULA: Parang gusto ko nang maniwalang nakaka-drain talaga ang halos araw-araw na taping.

Iyon ang naririnig ko sa ibang malalaking artista dahil sinasaid ang energy mo sa magdamagang taping.

Saka pag nagma-mature ka, kailangan mo na rin talagang ingatan ang kalusugan mo. Hindi maganda ang halos araw-araw na puyatan.

Sabi ng isang magaling na aktres, itong pag-aartista ay hanap-buhay, hindi hanap-patay.

Walang kailangang patunayan pa si Jericho, kaya dapat magdahan-dahan na siya.

Sana, baby na ang kasunod na mabalitaan natin sa kanya.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN