Enchong Dee, Daniel Matsunaga, Tanner Mata lalong pinainit ang summer

IMAGE Avon Philippines Twitter

JERRY OLEA: Mas hiniyawan at pinalakpakan sina Daniel Matsunaga at Enchong Dee kesa kay Tanner Mata sa pasiklab ng Men’s Club by Avon nitong Abril 11, Huwebes, sa Shooting Gallery Studio sa Zapote St., Makati City.

Tatlong taon nang endorser si Daniel ng Avon underwear for men.

Kalulunsad pa lang kina Enchong at Tanner nitong Titillating Thursday night.

“Parehong malakas ang sigawan ng audience kina Daniel at Enchong nang rumampa sila nang solo,” sabi ng katotong veteran showbiz journalist (VSJ) nang maka-chat ko nitong April 12, Friday morning, sa Messenger.

Hindi masabi ni VSJ kung sino kina Daniel at Enchong ang mas pinalakpakan.

E, kaninong "bukol" kina Daniel, Enchong at Tanner ang mas bonggacious?

Tugon ni VSJ, “Ay! Hindi ko alam iyong tungkol sa bukol. Narinig ko lang na may gumamit daw ng labakara. Ewan ko kung sino.”

GORGY RULA: Talbog silang lahat ni Tom Rodriguez pag rampahan na naka-underwear at pabukulan ang labanan.

Pa-sweet pa ang pagrampa noon ni Enchong sa underwear show ng Bench at halos hindi masipat ang kanyang VPL.

Mas sariwa na kasi ang mga lalaking inirarampa ng Bench, kaya naglipatan ang mga datihan sa ibang produkto.

Tama lang ngayong summer na parampahin silang nakabilad ang kanilang katawang lupa!

NOEL FERRER: Ito na ba ang sagot sa sobrang init at uhaw na nararanasan natin ngayon?

Balitang pataas nang pataas pa rin ang heat index lalo na sa probinsiya, at ang headline sa diyaryo ngayon ay waterless Holy Week at ang Luzon Grid ay naka-Red Alert.

Saan na kaya tayo pupulutin? Sa mainit na kangkungan o talahiban?

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN