Kiray Celis, may tampo ba sa ABS-CBN?

IMAGE Noel Orsal

JERRY OLEA: Babu na sa ABS-CBN 2 si Kiray Celis.

PERO... ang unang project ng comedienne sa GMA-7 ay ang telepelikula nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado na Love You Two.

Title pa lang, may TWO na.

At ang pagpapalabas nito ay mag-uumpisa sa Abril 22, pagkatapos ng Sahaya sa GMA Telebabad.

22... doble DOS.

“I love being Kapuso! Ha! Ha! Ha!” mataginting na halakhak ni Kiray sa mediacon nitong Abril 11, Huwebes ng gabi, sa Studio 7 ng GMA Network.

“I’m very happy being Kapuso!”

Ramdam ni Kiray ang importansiyang ibinibigay sa kanya ng Siyete.

Nagseryoso si Kiray, “Nabigyan din naman po ako ng importansiya doon [ABS-CBN].

"Kaso, ahmm, parang love. Hindi nagla-last.

“Ahmm, of course, napansin ko kasi every time na nakikita ako sa TV sa kabila ay nagpo-promote na lang po ako ng pelikula.

“Which is for me, hindi naman... Part yun ng pelikula ko, hindi yun part ng trabaho ko bilang kasali ako sa network na ‘yon.

“Yes! Happy ako, kasi, hindi ako magiging si Kiray kung hindi po dahil sa kabila.

“Happy ako, kasi kung hindi dahil sa kanila, hindi ko rin mailalabas kung ano man yung kaya kong ibigay ngayon, kung nasaan ako ngayon.

“Ahmm, malaki ang utang na loob ko sa kanila.

“Pero kailangan ko ring mag-grow, kasi feeling ko, hindi na ako bumabata.

“Twenty-four na ako and binigyan ako ng chance ng GMA, ng Artist Center, para mas maipakita ko pa kung ano ang kaya kong gawin.

“And hindi lahat, nabibigyan ng opportunity para sa ganoong artista. So, grinab ko na.”

Happier siya ngayon?

Pagkatamis-tamis ng ngiti ni Kiray, “Happiest!”

NOEL FERRER: Walang masama sa sinabi ni Kiray kung iyon ang nararamdaman niya.

Pero maturity teaches us to be more circumspect sa mga sasabihin natin.

HAPPIEST. Harinawa.

Huwag lang sana niyang kainin ang sasabihin niya pag nagkataon.

At ano na nga ba ang nangyari sa kanyang Portrait of My Love?

GORGY RULA: Ang bilis ng sagot ni Kiray na “Dede po! Dede,” sa tanong kung ano pa ba ang ipapakita niya sa paglipat niya ng Kapuso network.

Siyempre, isa lang iyun sa mga luka-lukang sagot ni Kiray kapag mga kaibigan niya ang nag-i-interview sa kanya.

Parang si Alessandra de Rossi rin pala itong si Kiray na hindi basta-basta magpapahalik sa projects na gagawin niya.

Puwede naman daw niyang gawin lahat, pati laplapan, kung talangang kanya ang project na siya ang bida.

Sample riyan ang ginawa nila ni Derek Ramsay sa pelikulang Love is Blind ng Regal.

Pero sa mga TV shows, kung hindi siya bida, bakit siya magpapahalik?

Saad ni Kiray, “Hindi kasi ako mahilig sa kissing scene, e.

“Para sa akin kasi, ang artista, dapat laging may bago.

"So, pag dumating ulit na maging bida ako sa pelikula or magkaroon ako ng sarili kong teleserye, kung mangyari man.

“Kung puro kaibigan ako ni ganito, o guest ako sa ganito, 'tapos nakipaghalikan na ako, ano pa ang hihintayin niyo na bago sa akin kapag nagkaroon na ako ng sarili ko?

“So, sabi ko, pag kaibigan lang ako, o guesting lang, huwag na kissing scene. Kaumay, e, di ba? Ano na lang yung hihintayin niyo kapag nagkaroon ako ng sarili ko?

“Hindi maarte, ha? Pero kailangan mo rin yun para sa trabaho mo.”

Si Jerald Napoles ang ka-partner ni Kiray sa Love You Two.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN