Jennylyn Mercado, itinangging nagli-live na sila ni Dennis Trillo

IMAGE Noel Orsal

GORGY RULA: Matagal-tagal din bago nasundan ng drama series si Jennylyn Mercado pagkatapos ng The Cure.

Bago niya sinimulan ang Love You Two, pinagkaabalahan ng Kapuso Ultimate Star ang kanyang negosyo, gaya nitong cookies na parami nang parami na raw ang order.

Madalas siyang tinutulungan ni Dennis Trillo dahil kasosyo pala niya ang Kapuso Drama King sa lahat na mga negosyo niya.

“Lahat naman ng projects na ginagawa ko, yung mga business na ginagawa ko, lahat yun, partner ko si Dennis,” pakli ni Jennylyn nang nakasingit kami ng ibang tanong sa mediacon ng Love You Two nitong Abril 11, Huwebes ng gabi, sa Studio 7 ng GMA Network.

Madalas daw si Dennis sa bahay ni Jennylyn dahil tumutulong ito sa ilang negosyo ng aktres.

Kaya sumundot kami ng tanong kung nagli-live in na ba sila ni Dennis.

“Ay! Hindi po,” mabilis na sagot ni Jennylyn.

Madalas lang daw sa kanila ang aktor, pero umuuwi pa rin si Dennis sa sarili nitong bahay.

Dito ay sumingit na sa tsikahan ang handler/security guard niyang si Katrina Aguila.

Ikinuwento ni Katrina na may isa pang negosyo si Jennylyn na malapit nang i-launch kaya hindi pa raw nila muna puwedeng sabihin.

“Makikita mo siya soon sa store, it’s gonna be a very big business,” sabi ni Katrina, na tumabi na kay Jennylyn para ma-screen ang mga susunod na tanong.

Sa ngayon ay focus muna si Jennylyn sa promo ng Love You Two na magsisimula na sa April 22, pagkatapos ng Sahaya sa GMA Telebabad.

NOEL FERRER: Kung may isang couple na may movie persona na puwedeng sugalan ng GMA-7, ito ay sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Parehong Best Actress at Best Actor ng MMFF, sana magamit yung leverage na yun para magkaroon sila ng maganda at successful na film project sa GMA Pictures.

JERRY OLEA: Natakot noong una si Jennylyn sa mga eksena nila ni Gabby Concepcion sa Love You Two.

“Kasi, kinakabahan ako! Dahil siyempre, Gabby Concepcion ‘yan, e!” bulalas ni Jennylyn.

“Noong mga unang eksena ko, talagang nabubulol ako, hindi ko ma-memorize yung linya ko.

“Ganoon kaano, ganoon kakaba... Ganoon kakaba!”

Bilang respeto, Sir at Kuya ang tawag ni Jennylyn kay Gabby.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN