Dating hunk actor, nanggantso ng isang businesswoman?


GORGY RULA: Isa sa mga araw na ito, posibleng maiskandalo ang dating hunk actor na hindi na gaanong nakikita sa TV at pelikula.

Na-involve siya sa kung anu-anong negosyo kasama ang ilang kaibigang kinukuha niyang partner. Hindi lang ako sure kung nagkarelasyon sila nitong businesswoman.

Naikuwento ni Businesswoman sa isang close friend na kinuha siyang partner ni Hunk Actor sa isang negosyo.

Pagkatapos tanggapin ang perang in-invest ni Businesswoman, hindi na nagpapakita... hindi na nagpaparamdam si Hunk Actor.


Nalaman ni Businesswoman na wala naman palang nag-e-exist na negosyo. Nag-invest pala siya sa waley!

Milyones ang perang involved kaya sinisingil na ni Businesswoman ang dating hunk actor.

Ang problema, hindi na ito sumasagot. Hindi na nagpapakita. Hindi matanggap ni Businesswoman na matatangay ang milyun-milyon niyang kadatungan na ganoon-ganoon na lang.

Nalaman ni Businesswoman na ganoon din ang ginawa ni Dating Hunk Actor sa isang gay politician. Kaya nakikipag-usap na si businesswoman sa ilang kaibigang negosyante kung paano niya makukuha ang pera niya kay Dating Hunk Actor.

Hindi ko lang alam kung ano ang plano niya, pero may gagawin daw siyang ikagugulat ni Dating Hunk Actor kapag patuloy siyang deadmahin at hindi ibabalik ang perang ipinuhunan sa sinasabing negosyo.

JERRY OLEA: Hindi nagpapaka-bitter si Businesswoman. Gusto lang niyang bawiin ang perang ipinagkatiwala niya kay Dating Hunk Actor.

Napariwara na ba ang dating hunk actor at umabot siya sa ganitong punto?

Mabuti kung iskandalo lang ang ibubunga ng kanyang panggagantso. Nawa’y makapagnilay-nilay ang dating hunk actor at gawin kung ano ang nararapat.

NOEL FERRER: May strings attached ba ang pagkakatiwala ng pera kay Hunk Actor? Bakit kasi napakadaling maakit sa pagbibigay sa aktor na ito? Ano ang birtud na taglay niya?

Hindi ba’t kilala siyang nanghahagip din ng lonely souls kahit noon pang bata siya? Utak-callboy na noon pa man. Iisa-isahin pa ba natin ang mga pamosong taong nabitag niya?

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN