NOEL FERRER: “Yes, I have frozen eggs. At least there’s an option now for women.
“I am open to surrogacy. I promised Ben [Wintle, ang asawa ni Iza] that I want to carry our first baby and let’s take it from there.
“I want to understand the process of motherhood. I know that going through motherhood will ground me.
“I don’t know if I can keep on doing it. I don’t know if my body can take it, but one thing at a time first.”
‘Yan ang modern, self-aware woman na anak-anakan nating si Iza Calzado nang tanungin siya tungkol sa pagbubuntis.
Sabi niya, inihahanda niya ang sarili sa ganoong posibilidad—but it’ll come at the right time. She has just finished Mystified for iFlix. She has started with her Cinemalaya project na Pandanggo Sa Hukay. And very soon, she will star in an eight-part series na provocative May-December love story for iWant.
GORGY RULA: Sa totoo lang, matagal nang ginagawa iyan ng ilang celebrities. Ayaw lang nilang ipabalita pa.
Sabi ng isang actress/TV host, puwede pa siyang magka-baby ng pito kung gusto niya dahil nandiyan lang ang frozen eggs niya.
Pagdating sa surrogacy, sana ay merong gumawa niyan dito sa atin dahil sa totoo lang, marami riyang kababaihang puwedeng-puwede talagang maging surrogate mother.
Bakit kailangan pang lumipad ng ibang bansa para kumuha ng surrogate mother para sa kanilang baby? Kung may sapat na technology dito sa atin, ang daming nanay na ang dali-daling mabuntis at sisiw lang sa kanila ang manganak.
Ang alam ko, sa Indonesia gagawin ang kina Ice Seguerra at Liza Diño. Malapit lang dito sa atin. Baka merong magpasimuno na puwede nang gawin dito sa atin ang surrogacy?
JERRY OLEA: Sa pag-usad at paglaganap ng makabagong teknolohiya ay nagbabago rin ang moral values ng mga tao.
Natatanggap na ngayon ang mga bagay-bagay na dati’y ikinahihiya, itinatago o kinukutya.
Nababalot ng pag-ibig sina Ben at Iza, at malawak ang kanilang pananaw at pang-unawa sa bagong paraan ng pagbuo ng pamilya.