Matapos ang mga sakit, back to concert tour si Gary Valenciano

Parang hindi galing sa heart surgery at kidney cancer si Gary V!
by PEP Troika
Apr 14, 2019
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA: Nakipag-chat ako sa isang kaibigang matagal nang naka-base sa Amerika dahil nasa Las Vegas, Nevada, siya para panoorin ang He’s Back: Gary V US Tour na ginanap sa Sam’s Town Hotel noong Abril 12, Biyernes.

Iyon bale ang first leg ng US Tour ni Gary Valenciano pagkatapos niyang magpahinga nang mahigit isang taon dahil sa heart bypass surgery at nagkaroon pa siya ng kidney cancer.

Kuwento ng kaibigan kong nakakuha ng All Access pass sa concert na yun, “The sold out concert is testament how Pinoys miss him so much after two years of absence in the concert scene.

“Nakaka-proud ang mga Pinoy sa pagtanggap sa kanya. They are dancing to the beat of his famous songs. He shared what happened to his health, and such a miracle to say the least.”

Noong nakausap namin si Gary sa kanyang presscon bago umalis ng Amerika, sinabi niyang kailangang ibalik niya ang dating sigla niya sa pagpi-perform.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagulat daw ang mga doktor sa mabilis niyang paggaling.

“Even the doctors, napakamot din sila. Kasi, as a diabetic, dapat it takes longer.

“But you know after the 3rd day when they operated on me, after the 3rd day, gusto na nilang tanggalin yung band-aid.

“The only reason why they had to put it on because maliligo ako. Pero otherwise, tatanggalin na nila.

“Kasi, parang hindi sila makapaniwala na ang bilis ng healing process,” pahayag ni Gary.

Kaya doon sa US Tour sa Las Vegas, ipinakita ni Gary V na kaya na niyang gawin ang mga dati niyang ginagawa sa concert.

“I took care of myself. So, sabi ng doktor, ‘Kung ano man ang ginawa mo noon before the operation, you have to continue doing all of your physical activities.’

“Kasi, isa yun sa malaking dahilan kung bakit ang bilis ng healing,” saad pa ni Gary V.

NOEL FERRER: Congratulations sa grupo ni Gary V sa kanyang shows sa US—his first after ng pinagdaanan niyang health condition.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gayundin ang ating pagbati sa grupo rin ni Mr C (Ryan Cayabyab) na nasa last leg na rin ng kanilang US Tour na magtatapos sa Seattle this weekend.

Wagi rin sina Aiza Seguerra at Juris sa shows nila sa Canada!

Masaya tayo na ang mga Pinoy performers ang pumupuno sa pananabik ng ating mga kababayang hindi makauwi sa ating bayan.

GORGY RULA: Matagal na sa Amerika itong kaibigan kong nandoon sa concert kaya hindi niya kilala ang special guests ni Gary V na sina Jona at Katrina Velarde.

Komento niya sa dalawang guests, “They are both good singers. Katrina is raw but has a potential to be a future singer.

“Magaling siya and given more exposure, she can be a threat to many. Kailangan lang ng konting make-over and stylist.

“On the other hand, Jona is a good singer too pero may namumuong pagka-suplada na over confident na anti-social, or wala lang akong na-notice na nagpa-picture sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Baka natakot lang ang mga tao, kasi, parang hindi nag-i-smile.

“Teka nga, na-notice ko ang face, hindi maibuka ang bibig or parang hirap pumuwesto ang mga muscles sa face.

“Salamat doktor ba siya?

“Don’t hate me please. Just asking.”

Sinabi ko na lang sa kaibigan kong matagal na ring kumakanta si Katrina, pero ngayon lang nabigyan ng break sa concert scene.

Nilinaw ko rin sa kanya na mabait si Jona at palabati. Baka nahihiya lang siya roon dahil hindi niya siguro kilala ang mga kaibigan ni Gary V at sina Angeli Valenciano.

Sinabi ko na rin sa kanya na hindi na isyu yung kung ano man ang mga pinaayos ni Jona sa mukha.

JERRY OLEA: Oh, yes, sa pagkakakilala ko kay Jona, mabait siya, approachable, hindi supladita.

Fearless Diva si Jona bilang mang-aawit, pero hindi siya dapat katakutan ng fans.

Ang Suklay Diva na si Katrina Velarde ay palaban sa mga birit challenge, pero hindi ko pa siya gaanong nararamdaman sa local showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA: Dahil sa success ng He’s Back US Concert Tour ni Gary sa Las Vegas, lalong na-excite ang producers sa iba pa niyang show sa iba’t ibang bahagi ng Amerika.

Meron pa kasi siya sa New York ng April 14, sa Pittsburgh sa April 20, sa Los Angeles sa April 21, sa Seattle sa April 26, at sa Morongo sa April 28.

Naka-chat ko rin ang kaibigan kong producer sa Pittsburgh concert niya, nagpi-pick up na rin daw ang benta ng tickets at malaki raw kumpiyansa niyang ma-sold out din ito sa araw ng concert.

Style din daw kasi ng mga kababayan natin doon na last minute na sila bumibili ng tickets.

Pero marami raw talagang mga kababayan natin doon na nami-miss na ang concert ni Gary V.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results