Final season ng Game of Thrones, palabas na ngayong Lunes Santo

Game of Thrones fans, excited nang mapanood ang final season
by PEP Troika
Apr 14, 2019
PHOTO/S: Courtesy of HBO

JERRY OLEA: Agosto 28, 2017 nang mapanood ko ang “The Dragon and the Wolf” episode ng Game of Thrones (Season 7) sa HBO.

Bukas, Abril 15, Lunes Santo nang 9:00 AM ay mapapanood na sa Pilipinas ang unang episode sa huling season ng GOT sa HBO at HBO GO.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Andaming kaabang-abang na eksena sa huling season ng Game of Thrones, gaya ng paghaharap nina Sansa Stark (Sophie Turner) at Daenerys Targaryen (Emilia Clarke), ang pagbubunyag sa tunay na katauhan ni Jon Snow (Kit Harrington), ang mga ganap sa misyon ni Arya Stark (Maisie Williams), ang mga huling sagupaan sa Westeros, at ang kahihinatnan ng mga karakter na minahal o kinamuhian ng mga manonood.

Si Bran Stark (Isaac Hempstead Wright) ba ang Night King (Vladimir Furdik)?

O magta-transform na si Bran sa uwak na tatlo ang mata?

Meron pa bang mga itlog ng dragon sa Winterfell?

Isa bang syokoy ang eunuch Master of Whisperers na si Varys (Conleth Hill)?

Magbabakbakan ba ang magkapatid na Clegane—Sandor “The Hound” Clegane (Rory McCann) versus Gregor “The Mountain” Clegane (Hafþór Júlíus Björnsson)?

Magpapakasal ba si Sansa Stark kay Gendry (Joe Dempsie), ang bastardong anak ni King Robert Baratheon?

Mabubuntis ba si Daenerys Targaryen?

Pahulaan ang masusugid na tagasubaybay kung sinu-sino ang matitigok sa bittersweet ending ng phenomenal fantasy drama series na ito. Mamamatay ba ang hitad na si Cersei Lannister (Lena Headey)?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

If so, sino ang papatay sa kanya: ang kakambal na si Jaime Lannister (Nikolaj Coster-Waldau) o ang kapatid nilang unano na si Tyrion Lannister (Peter Dinklage)? Hindi kaya mategi si Cersei sa panganganak?

Meron na naman kayang mga eksenang mae-edit out sa episodes na mapapanood sa Pilipinas?

NOEL FERRER: Naku, out ako sa HBO, TV, iFlix o NetFlix this Holy Week.

Ang tawag ko rito ay Data Diet.

Wala talagang streaming ng data, time out sa computer at celphone sana.

Kaya ba nating magkaroon ng tunay na bakasyon, at gourmet data lang ang iko-consume? Sana!

GORGY RULA: Ay! Sorry po, Sir Noel, hindi ako magdi-data diet sa Semana Santa.

Ang sakit ng init sa labas, kaya pagkatapos magsimba at Visita Iglesia, magmumukmok na lang ako sa bahay at magpakasasa sa Netflix.

Okay lang iyung silip-silipin ko iyang Game of Thrones, dahil inaabangan ito ng madlang pipol.

Pero sa mga nagni-Netflix, baka hindi pa po ninyo napanood ang Homeland ni Claire Danes na matagal na niya itong nagawa, simulan na po ninyo mula Season 1 hanggang 7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginagawa na ang final season nila, at aabangan ko iyan.

Sabi mo nga, Sir Jerry, kapag napanood ninyo itong Homeland, makikita ninyong walang-wala ang ibang soap natin na umalma lang ang kapulisan, tiklop na agad sila!

Siguro naman, nanonood din ang soap opera writers ng mga series na lumalabas sa Netflix para makapag-isip sila ng mga bago at magagandang kuwentong ibabahagi nila sa mga susunod nilang teleserye.

Baka puwede rin nilang pagnilay-nilayang mag-isip ng mga bagong ideya ng kuwentong ihahatag sa Pinoy televiewers.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Courtesy of HBO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results