Lorna Tolentino, muntik nang maospital dahil sa Ang Probinsyano

IMAGE Twitter

GORGY RULA: Muntik na palang ma-confine sa hospital si Lorna Tolentino dahil sa prosthetics na inilagay sa kanya sa taping ng FPJ's Ang Probinsyano.

Kinunan noong nakaraang linggo ang ilang eksena kung saan kailangang naka-prosthetics si Lorna.

Kailangan niyang magpanggap ng iba’t ibang karakter para hindi siya makilalang si Lily.

May eksenang kailangang takpan ang nunal niya, kaya pinakapalan daw ang labi at tinakpan ang nunal.

Hindi alam ni Lorna kung ano ang chemicals na ginamit sa prosthetics, pero habang binu-blower ang prosthetics, may mga nakapasok na gamot o kung ano man sa ilong niya.

Maaring sumiksik daw iyon sa ilong niya kaya parang may iba na siyang nararamdamang sakit at nagka-nose drip siya habang nagti-take.

Akala raw nila, baka sa alikabok lang, pero kinabukasan, namaga na raw ang ilong niya kay pina-check up niya kaagad sa doktor.

Sabi ng doktor, mabuti at naagapan dahil kung nagka-infection iyun, posibleng aakyat daw sa brain niya dahil ang utak ang pinakamalapit sa ilong.

Nang kinumusta ko si Lorna kanina, medyo may sakit pa raw siyang nararamdaman sa ilong niya.

Kaya minu-monitor daw ito ng EENT niya.

Mabuti na lang at hindi na raw ipinayo ng doktor niyang magpa-confine, dahil may gamot naman siyang tini-take.

Hindi raw siya puwedeng um-absent sa taping dahil marami pa siyang mga eksenang kailangang kunan bago magbakasyon para sa Semana Santa.

JERRY OLEA: Noon, muntik nang mabulag si Lorna sa sampal ng kapwa aktres na may malaking bato sa singsing.

Ngayon naman, muntik nang maapektuhan ang utak niya dahil sa kemikal sa prosthetics.

Nawa’y mag-ingat nang husto si Lorna sa mga eksena na any moment ay madidisgrasya siya.

NOEL FERRER: Importante talaga ang papel ni LT sa FPJ’s Ang Probinsyano kaya ang dating one month lang na taping ay mukhang magtatagal pa dahil siya na ang main arc ng istorya.

Nasa kamay niya ang masasalimuot na eksena kasama si Raymart Santiago na makakasagupa niya.

At meron pang bago, si Gardo Verzosa, na after ilang taon na nag GMA-7 (ang huli niya ay Onanay), nag-ober da bakod para sa Ang Probinsyano.

Ingat, LT. Bawal magkasakit! Lalo na sa inyong toprating and long running teleserye!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN