GGV at TBATS, mahigpit pa rin ang labanan sa ratings

IMAGE GGV / TBATS

JERRY OLEA: Patuloy na nangunguna sa ratings ang primetime teleserye ni Coco Martin na FPJ’s Ang Probinsyano.

Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media, nagtala ito ng 38.8% noong Abril 8 (Lunes), 41.2% noong Abril 9 (Martes), 38.4% noong Abril 10 (Miyerkules), 37.6% noong Abril 11 (Huwebes), at 39.1% noong Abril 12 (Biyernes).

Nagpa-fluctuate ang ratings ng FPJ’s Ang Probinsyano at minsan lang nag-line of 4 last week.

Gandang Gabi Vice and The Boobay And Tekla Show

Noong Abril 13, Sabado, naka-27.5% ang Maalaala Mo Kaya (MMK) episode tungkol sa life story ni It’s Showtime Miss Q&A InterTALAKtik Queen Brenda Mage, kontra sa 16.5% ng Magpakailanman episode na bida sina Mikee Quintos at Yasser Marta.

Kumelavoo! Noong Abril 14, Linggo, nanguna sa lahat ng programa ang Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-28.1%.

Nagtapos na kasi ang dating nangunguna sa Sunday ratings, ang World Of Dance Philippines (WODP). Pumangalawa lamang nitong Abril 14 ang pumalit sa WODP na Galawang Pinoy, na naka-26.7%.

Ang Gandang Gabi, Vice (GGV) ay naka-10.8%, kontra sa The Boobay And Tekla Show (TBATS) na naka-9.8%.

Inuulit ko, ang National TV Ratings na mga ito ay ayon sa Kantar Media.

GORGY RULA: Hindi ko pa nakuha ang NUTAM ratings ng ibang programs.

So far, ang sa TBATS lang at GGV ang nakuha ko.

Dito ay lamang pa rin ang programs nina Boobay at Tekla na nakakuha ng 6.1%, at ang birthday episode ni Vice Ganda ay 5.1% naman.

Kuwela kasi ang TBATS guesting ni Heart Evangelista na game na game sa mga ipinagawa sa kanya.

NOEL FERRER: Malamang, magpepenitensiya at magsasakripisyo ang mga Pinoy at mangingilin sa pagpanood ng TV ngayong panahon Semana Santa.

Pagkatapos ng Lenten Specials nila ay pagandahan na ng palabas sa weekend.

'Tulad ng TV-movie ni Alden Richards na The Journey sa GMA-7 produced ng APT Entertainmentat ang pilot telecast ng Idol Philippines ng ABS-CBN sa darating na Linggo.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN