JK Labajo, bagay kayang leading man sa pelikula ni Maureen Wroblewitz?

IMAGE @mauwrob / @mynameisro1 via @karloslabajo Instagram

GORGY RULA: Papasukin na rin ni Maureen Wroblewitz ang pag-aartista.

Pumirma ang Asia’s Next Top Model winner at Eat Bulaga! Dabarkads ng six-picture exclusive contract for three years sa Reality Films, nitong Abril 15, Lunes ng gabi.

Hindi pa raw na-finalize ng Reality Films producers na sina Dondon Monteverde at Direk Erik Matti kung ano ang first movie na gagawin ni Maureen.

Ia-announce daw nila agad kapag may na-approve na kuwento at kung sino ang magiging leading man ng dalaga.

Ang gusto raw sana nilang first na makakatambal ni Maureen ay iyong walang ka-love team.

Ang natitiyak lang nila sa ngayon ay gagawa ang model-TV host ng pelikulang ididirek ni Erik Matti.

Si JK Labajo kaya ang isa sa makakasama ni Maureen sa gagawin niya sa Reality? Si JK ay kilalang malapit sa kanya. 

Sabi ni Maureen, kung ano ang desisyon ng Reality at ng manager niya sa Prima Stella Talent Management, iyon ang gagawin niya.

Mag-aaral pa raw siya ng Tagalog at kailangan din daw niyang mag-acting workshop.

NOEL FERRER: I’m sure, makakahanap ng mas angkop na leading man for Maureen kaysa kay JK Labajo.

Balitang pinangangatawanan ni JK ang pagiging bad boy niya ng music scene.

Nitong huling Lubao International Balloon & Music Festival, obvious ang pagpapapansin nito as the entitled young performer.

Ang sabi ng mga tao ay dapat mag-focus muna si JK sa pagkanta ng signature song niyang "Buwan" nang maayos.

Yun na lang muna, JK. Spare Maureen from JK muna.

JERRY OLEA: Wish ko lang na gamiting theme song ng pelikula ang kantang "Buwan" ni Juan Karlos “JK” Labajo.

Sinabi ni JK na si Maureen ang "Ang aking Buwan." Puwede kayang gamiting theme song ng movie ni Maureen ang kanyang kanta?

Swak din kay Maureen ang dalawa pang kanta ni JK na "Demonyo" at "Biyak."

As of April 16, Tuesday, umabot na sa 107M views sa YouTube ang official music video ng "Buwan."

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN