Jasmine Curtis Smith, hindi pa handang magpakasal

IMAGE Instagram

GORGY RULA: Pagkatapos ng mediacon ng pelikulang Maledicto nitong Abril 16, Martes ng tanghali, sa Solaire Resorts & Casino, umalis na si Jasmine Curtis Smith patungong La Union para doon magbakasyon ngayong Semana Santa.

Hindi raw ito bakasyon lang kundi trabaho rin dahil tutulong siya sa soft opening ng bagong boutique hotel na itinayo ng boyfriend niyang si Jeff Ortega kasama ang dalawang partners nito.

Inilarawan ni Jasmine ang boutique hotel sa La Union na may sampung beds at isang malaking room kung saan doon puwedeng magtrabaho ang iba na hindi maiwan kahit nasa bakasyon.

Baka end of the year pa raw ang grand opening nito, dahil marami pa silang kailangang ayusin at i-perfect sa soft opening nila ngayon.

Sabi ni Jasmine, “Primarily this is the project of my boyfriend and his two partners and I decided to join on this venture para I can start learning for my one or the next one which will be mine and Jeff’s.

“Ginrasp ko na rin yung opportunity to learn because I don’t know how else I come around to learning how to build the hotel or how to come around to building one.”

Maaaring simula na rin daw ito ng investment nila ni Jeff para sa kanilang future sakaling magpakasal sila pagdating ng panahon.

“Parang mutual understanding na namin na, you know, we’ll start off with this.

“Ang dami ko pang gustong ma-achieve and on my own na hindi kasama siya as a boyfriend or as life partner na or husband already.

“Siyempre, gusto kong ma-experience din yung mga ganitong process or mga ganitong learnings and, I mean, other learnings, other than what we experienced together, di ba?” bahagi ng mahabang pahayag ng Kapuso actress.

Okay na muna sila sa ganitong set-up dahil kung si Jasmine ang masusunod, hindi pa siya ganoon ka-ready sakaling biglang mag-propose na sa kanya si Jeff.

“Ang dami ko pa kasing gusto pa. Ang dami ko pang dreams na need na ma-accomplish on my own.

“As a sister, as a daughter sa sarili ko o parang mga self-discovery ba o paghihilom sa mga nangyari before na hindi ko pa rin maintindihan o hindi pa rin maka-move on para rin hindi ko siya dala-dala as a person,” saad ni Jasmine.

Three years na ang kanilang relasyon, at alam niyang sa tamang panahon ay darating din ang araw na pareho silang handa nang mag-settle down.

NOEL FERRER: Maganda itong plano ni Jasmine na matuto ng ibang skill—para may fallback career apart from showbiz.

Maganda rin na tinututukan ni Jasmine na magpatuloy ang kanyang film career beyond her GMA network assignments.

Doon tumataas ang status niya bilang aktres at movie star.

Buti na lang at kahit so-so lang ang reception ng kanyang Pamilya Roces ay nakasali siya sa biggest boxioffice earner for now na Alone/Together.

OK naman ang Sahaya, although kailangan talagang kumita ang Maledicto para umangat pa ang kanyang bankability.

Good luck kay Jasmine na isa sa pinakamagagaling na aktres sa batch niya!

JERRY OLEA: Abril 24 ang showing ng Avengers: Endgame.

Malamang sa alamang na ito ang pinakamalakas na pelikula ngayong 2019.

Ano kaya ang sasapitin ng Maledicto at S.O.N.S. (Sons Of Nanay Sabel) na parehong sa Mayo 1 magso-showing?

Your guess is certainly marvelous enough.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN