Directors ng Avengers: End Game, umalma sa leaked spoilers ng movie

by PEP Troika
Apr 17, 2019
PHOTO/S: Avengers: Endgame / @Russo_Brothers Twitter

JERRY OLEA: Kumakalat na ang footage ng pelikulang Avengers: Endgame sa YouTube at iba pang online platforms.

Kinunan sa cellphone ang early screening ng pelikulang idinirek ng magkapatid na Anthony at Joe Russo.

Nanawagan ang Russo Brothers with the hashtag "#DontSpoilTheEndgame" sa tweet ng Marvel Studios, nitong Abril 17, Miyerkules ng madaling-araw (Manila time):

Continue reading below ↓

"To the greatest fans in the world,

"This is it. This is the end. The end of an unprecedented narrative mosaic spanning eleven years and eleven franchises.

"For all of you who have been on this journey with us since the very beginning, sharing every high and low with your family, your friends, your classmates, your co-workers.

"Investing so deeply in every character and storyline. Laughing. Cheering. Shedding tears.

"Giving so freely of your thoughts and emotions in spirited dialogues, theories, fan art, and fan fiction.

"Please know that the two of us, along with everyone involved in Endgame, have worked tirelessly for the last three years with the sole intention of delivering a surprising and emotionally powerful conclusion to the Infinity Saga.

"Because so many of you have invested your time, your hearts, and your souls into these stories, we’re once again asking for your help.

"When you see Endgame in the coming weeks, please don’t spoil it for others, the same way you wouldn’t want it spoiled for you.

Continue reading below ↓

"Remember, Thanos still demands your silence..."

May similar na open letter ang Russo Brothers bago ipalabas ang Avengers: Infinity War last year.

Sa Abril 24, Miyerkules, mapapanood sa mga sinehan ng Pilipinas ang pinaka-marvelous na pelikula ng taon.

NOEL FERRER: Heto ang post ng kaibigan nating premyadong scriptwriter na si Eric Cabahug, "Luh! Ubos na ang tix for April 24 morning screenings ng Avengers sa buong Pilipinas and konti na lang sa gabi??? Grrrrr!!!"

Ganyan ang effect ng Avengers: Endgame sa ating bansa.

Mauungusan pa kaya ito ng lokal na pelikula?

GORGY RULA: Wala talagang nangahas na local film na tumapat sa Avengers.

Pero sa susunod na linggo, meron nang ipalalabas. Isa na rito ang Maledicto na nakatakda nang ipalabas sa Mayo 1.

Kaya nakiusap na si Tom Rodriguez na kung ganoon kainit ang pagtanggap sa Avengers: Endgame, sana magtira rin daw sa pelikula nila.

Hangad nilang lahat na makabawi rito ang Fox Network Group Philippines dahil first venture nila ito sa paggawa ng local film kung saan nakipag-co-produce ang Cignal Entertainment at Unitel.

Continue reading below ↓

Maayos daw ang trato sa kanilang lahat, mula sa talent fee, hanggang sa working condition sa set, pati sa pagkain na ibinibigay sa production staff at sa mga artista.

Sabi ni Menggie Cobarrubias na bahagi sa pelikula, "Puwede palang mangyari sa Pilipinas iyung ganoong working condition."

Read Next
Read More Stories About
Avengers: Endgame
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Avengers: Endgame / @Russo_Brothers Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results