Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Melai Cantiveros at Jason Francisco, muling nalampasan ang marital problem

by PEP Troika
Apr 17, 2019
PHOTO/S: @mrandmrsfrancisco Instagram

JERRY OLEA: Pangungunahan ng child stars na sina Jordan Lim at Mela Francisco ang "eggs-ploration" sa Spacetacular Easter, sa Abril 21, Linggo ng Pagkabuhay, sa Araneta Center, Quezon City.

Si Jordan ay pinsan ni Daniel Padilla, habang si Mela ay anak ng mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Open ang Easter event sa mga batang 12 years old or younger. 11:00 a.m. ang registration sa Gateway Mall.

Continue reading below ↓

Ang “cosmic eggs” ay mahahanap sa grounds ng Gateway Mall, Ali Mall, at Farmers Plaza.

Ipagpapalit kapagkuwan ang mga itlog sa fantastic treats.

Ang mga batang naka-costume bilang astronaut, space explorer, alien, galaxy hero o cosmic figure ay puwedeng lumahok sa Little Universe Costume Contest sa Gateway Mall at Ali Mall.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

May photo booths at iba pang activities sa tatlong mall sa Araneta Center.

Walang uuwing luhaan! Lahat ng batang registrants ay makakatanggap ng loot bags at freebies mula sa sponsors.

Para sa mga detalye, i-follow ang Araneta Center sa Facebook, Twitter, at Instagram.

NOEL FERRER: Good to hear na umokey na naman sina Melai Cantiveros at Jason Francisco ilang linggo matapos lumabas ang balitang may pinagdadaanan silang problema.

Continue reading below ↓

Naging public muli ang pagbabati ng mag-asawa noong birthday ni Melai at birthday ng bunsong anak nila ni Jason na si Stela nitong buwan ng Abril.

Again, all for their daughters Mela and Stela!

Now, kung gagalingan ba ang egg hunting ay makakabuo na naman ng isa pang baby? Abangan!

GORGY RULA: Sana nga, magkaroon sila ng panahong maayos ang kung ano mang problema nilang mag-asawa.

Nagtanung-tanong ako sa mga taga-PPL Entertainment na nagha-handle kay Jason.

Mukhang OK raw ang aktor at wala raw siyang idinadaing na problema nilang mag-asawa.

Mas sumipag daw ngayon si Jason.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @mrandmrsfrancisco Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results