Lorna Tolentino, hindi pa makapagbakasyon dahil sa request ni Coco Martin

by PEP Troika
Apr 18, 2019
PHOTO/S: Screengrab from FPJ's Ang Probinsyano

GORGY RULA: Naantala nitong Abril 17, Miyerkules, ang pag-alis ni Lorna Tolentino papunta sa farm niya sa Cavite para doon magbakasyon kasama ang mga anak niyang sina Ralph at Renz, pati na rin ang nag-iisang apo niyang si Tori.

Nakiusap kasi ang taga-FPJ’s Ang Probinsyano na kunan siya ng ilang eksena sa Camp Crame.

Continue reading below ↓

Request daw kasi ni Coco Martin na kasama siya sa eksena, kaya nag-taping pa muna ito at inaasahang matatapos siya bago mag-gabi.

Kailangan na kasi ni Lorna na magpahinga sa halos araw-araw na taping niya sa naturang teleserye.

Kahit si Coco ay sa Japan naman magpapahinga.

Samantala, nagsimula nang magbakasyon ang cast ng katapat nitong teleserye sa GMA-7, ang Kara Mia.

Nasa Osaka, Japan na ang magkasintahang Barbie Forteza at Jak Roberto kasama ang kapatid ni Jak na si Sanya Lopez.

Nasa South Korea si Carmina Villaroel, at doon din magbabakasyon ang co-star nilang si April Gustilo.

Sa Clark naman magbabakasyon si Paul Salas kasama ang kanyang pamilya, habang staycation lang sa bahay niya si Arthur Solinap na nag-e-enjoy sa pag-aalaga kay Baby Shiloh nila ni Rochelle Pangilinan.

Fly naman pa-Boracay si John Estrada, habang dito lang sa Pradera Verde, Lubao, Pampanga si Glydel Mercado kasama si Tonton Gutierrez at ang kanilang dalawang anak.

Continue reading below ↓

Ayaw magpakalayo ni Mike Tan, kaya sa Tagaytay lang sila magpapalamig.

Bakit ba paboritong bakasyunan ng karamihan ang bansang Japan?

Sabi ng psychic at spirit questor na si Atty. Nick Nangit, pinaka-the best daw sa ating mga Pinoy na puntahan ang bandang North. Isa na roon ang Japan.

Kung hindi kayang bumili ng plane ticket, puwedeng dito sa atin sa bandang Baguio o Ilocos region.

NOEL FERRER: Unlike before, mas madali nang kumuha ng visa pa-Japan.

Basta ba patunayan mo na may panggastos ka roon at babalik ka rito ay approved ka na agad.

Katulad ng Pasko, hindi ba’t itong Holy Week ang holiday ng mga taga-showbiz?

Ito rin ang ginagamit na oras para magsama-sama ang pamilya. Basta ba, huwag ding kalimutan ang pagninilay-nilay at pagdarasal.

JERRY OLEA: Wagas ang trapik sa EDSA noong Martes Santo nang hapon. Carmageddon!

Pero noong gabi ay dire-diretso ang bus na sinakyan ko sa biyahe sa NLEx, SCTEx at TPLEx.

Continue reading below ↓

Nagpalipas ako ng gabi sa Paniqui, Tarlac.

Miyerkules Santo nang umaga, April 17, lumarga na ako at ilang non-showbiz friends pa-Pagudpud, Ilocos Norte.

Maluwag ang mga kalsada pa-Baguio City. Matapos ang Rosario, La Union ay medyo mabagal ang biyahe dahil sa mga tricycle sa highway.

Lalong bumagal papasok ng San Fernando, La Union, kahit sa bypass road.

Mukhang ang daming papunta sa San Juan, La Union para mag-surf. Dire-diretso na muli ang paglalakbay namin.

Bumagal lang sa may Bantay, Ilocos Sur dahil sa aksidente. Buti naman at umabot pa kami sa pamamasyal sa Baluarte sa Vigan, Ilocos Sur.

Siyempre, hinintay rin namin ang Dancing Fountain sa plaza na nasa harap ng Katedral ng Vigan. Nagulat ako na maagang nagsara ang St. Paul Metropolitan Cathedral.

Last year na Holy Wednesday rin ay bukas iyon hanggang gabi.

Dire-diretso na muli ang biyahe namin papunta sa white beach ng Villa del Mar, Pagudpud, Ilocos Norte!

Continue reading below ↓

Ngayong Huwebes ay nakaugalian ang Visita Iglesia.

Andaming mga lumang simbahan na kaygaganda at makasaysayan sa lalawigan ng Ilocos Norte, at sandamukal din ang mga pasyalan dito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Screengrab from FPJ's Ang Probinsyano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results