Fr. Roderick Maglonzo Yneco: Hindi agimat ang panlaban sa kasamaan

by PEP Troika
Apr 19, 2019
PHOTO/S: Rev. Fr. Roderick Maglonzo Yneco Facebook / File Photo

JERRY OLEA: Nakagawian natin na magpabasbas ng palaspas kung Palm Sunday.

Nakalakhan ko noon sa Lucban, Quezon na kapag bumabagyo ay sinusunog ang natuyong palaspas. Pantaboy ba iyon sa masamang espiritu?

Sa mga kuwentong-barbero, istoryang-kutsero, sa mga pamahiin, at maging sa ilang pelikula at palabas sa TV, nakakakuha ng mga agimat o anting-anting kung gabi ng Biyernes Santo na patay ang Kristo.

Continue reading below ↓

May agimat daw na iniluluwa ng puso ng saging?

Hinihinala na ang ilang artista at kilalang personalidad ay nagtataglay ng agimat kaya nagtatagal ang buhay, at umaani ng laksang tagumpay.

Hiningi namin ang insights dito ni Very Rev. Fr. Roderick Maglonzo Yneco, DD, nitong Abril 19, Biyernes Santo.

"Ang turo ng simbahan ay nakabatay sa aral ng Banal na Kasulatan at mga doktrina ng simbahan," paliwanag ni Fr. Roderick.

"Hindi naniniwala ang simbahan sa amulets, agimat at anting-anting. Ito ay labag sa turo at aral ni Hesus.

"Ang palaspas ay simbulo ng pagpupuri sa Diyos at pagbibigay-parangal kay Hesus sa ating buhay, at walang kinalaman sa pagtaboy ng masamang espiritu.

"Ano mang superstitious belief o kultura na may paganong batayan ay hindi sinasandigan ng simbahan."

Ang pananampalataya raw kay Hesus ay sapat nang panlaban sa anumang masamang elemento o kapahamakan.

"Maliwanag ang mga turo at aral ng simbahan ukol dito.

Continue reading below ↓

"Kung sumasampalataya tayo kay Hesus, higit pa siya sa agimat at anting-anting.

"Sapat na ang pananalig kay Kristo at sumandig sa turo at aral ng Biblia at doktrina ng simbahan."

Giit pa ni Fr. Roderick, labag sa pananampalataya ng Kristiyano ang paniniwala sa agimat.

"Ang paniniwala sa agimat at anting-anting ay isang uri ng idolatry.

"Hindi ito galing sa Diyos at kailanman ang Diyos ay hindi gagawa ng iba pang diyos na dapat sambahin at paniwalaan.

"Ang paniniwala sa agimat at anting-anting ay kabalintunaan ng katotohanan. Ang pagsalig at paniniwala rito ay isang malaking kasalanan, dahil ito ay lihis sa pananampalatayang Kristiyano.

"Ang mga ganitong gawain at paniniwala ay hindi galing sa Diyos, kundi panlilinlang ng mga buktot sa mga sumasampalataya sa tunay na Diyos."

Si Fr. Roderick Maglonzo Yneco ang nagmisa sa huling gabi ng lamay ni Chokoleit noong Marso 14 sa Antipolo City.

NOEL FERRER: Naging palasak na ang pag-depict sa gamit ng agimat at anting-anting sa TV at pelikula.

Continue reading below ↓

Karaniwan na ito ang ganti ng mga ordinaryong tao na walang kakayahan at kapangyarihan laban sa mga naghaharing-uri.

Kaya ang agimat ay nasa sa ating lahat.

Ang sabi nga ng paring narinig ko ngayon, "To be silent in the face of evil is evil, too!"

Kaya gamitin natin ang sarili nating lakas at boses, kahit wala tayong anting-anting ni Nardong Putik o bato ni Darna sa paglaban sa kasamaan, kasinungalingan, at katiwalian!

Isang maalab at makahulugang Biyernes Santo sa ating lahat!

Read Next
Read More Stories About
Holy Week 2019
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Rev. Fr. Roderick Maglonzo Yneco Facebook / File Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results