Marian Rivera at Dingdong Dantes, may nickname na sa kanilang baby boy

by PEP Troika
Apr 21, 2019
PHOTO/S: @marianrivera Instagram

GORGY RULA: Ziggy ang napiling nickname ni Jose Sixto IV, ang baby boy ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Parehong letter "z" sa nickname ng panganay ng couple na si Maria Leticia o Zia.

Puwede rin daw Six ang tawag sa kanilang bunsong anak, ayon sa text message sa akin ni Marian.

Continue reading below ↓

Tipid lang ang sagot ni Marian nang tinext ko kung meron pa siyang gustong iparating sa supporters na masaya sa pagdating ni Baby Ziggy.

Nasa Instagram post na raw niya ngayong araw, April 21, ang lahat nang gusto niyang sabihin.

Hanggang doon na lang muna ang puwedeng maibahagi ng GMA-7 prime-time queen na nagpapagaling pa rin at nag-aalaga sa kanilang newborn baby.

Naka-text ko rin si Dingdong pagkatapos manganak ni Marian para kapanayamin ko na rin sana, pero tumanggi muna siya.

Lunes ng tanghali bukas, April 22, pipirma si Dingdong ng renewal ng kontrata niya sa GMA-7.

Maaring doon na siya magkukuwento kung ano ang hirap na pinagdaanan ni Marian bago nailuwal ang kanilang Baby Ziggy.

Ang mahalaga, masayang-masaya sila ngayon dahil sa pagdating ng kanilang bunso. Sabi ni Marian, ito na raw ang pinakamasayang pagdiriwang nila ng Pasko ng Pagkabuhay.

Narito ang kabuuang pahayag ni Marian sa kanyang Instagram:

Continue reading below ↓
View this post on Instagram

Noon, nangarap kaming magkaroon ng supling at binigyan Niya kami ng isa. Makalipas ang tatlong taon, humingi kami at ibinigay Niya. Ang magkaroon ng isa pang lalaking anak ay sagot sa aming mga dasal, kaya’t naguumapaw ang aking puso sa biyayang ito. Akala ko hindi ko kakayanin, ngunit, nakaraos ako dahil sa supporta ng mga nagmamahal sa pamilya namin, lalung-lalo na dahil sa mga dasal niyong lahat. Maraming salamat. Ngayong nabuhay na ulit si Hesus, muling ipinapaalala ng araw na ito na lahat tayo ay biyaya ng Diyos sa isa’t-isa. Happy Easter. Ito na marahil ang pinakamasayang Pasko Ng Pagkabuhay ng aking buong pakikipagsapalaran sa mundong ito, dahil sila— si Dong, si Letizia at si Sixto— sila ang aking buhay. ?????????? (Photo taken when he was 2 days old) #JoseSixto #Six #Ziggy

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on

NOEL FERRER: Maligaya ako para kina Dingdong at Marian para sa mga bagong biyaya na dumarating sa kanilang buhay.

Maliban kay Ziggy, ayan, pipirma ng bagong kontrata sa GMA-7 si Dong.

Si Marian naman ay sunud-sunod ang endorsements, at kakikita ko pa lang ng malaking billboard niya sa EDSA sa Quezon Boulevard.

Congratulations sa pamilya Dantes!!!

JERRY OLEA: Ampogi-pogi ni Baby Ziggy. Dantes na Dantes!

Kaya sana, more babies pa, Dingdong and Marian!

Read Next
Read More Stories About
Marian Rivera, Dingdong Dantes
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @marianrivera Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results