Avengers: Endgame, may nangahas bang sumabay na Pinoy film?

by PEP Troika
Apr 22, 2019
PHOTO/S: Screengrab from Avengers: Endgame

JERRY OLEA: Graded A ng Cinema Evaluation Board ang pelikulang Dagsin, na tampok sina Tommy Abuel, Lotlot de Leon, Benjamin Alves, at Janine Gutierrez.

Ito ang bukod-tanging Pinoy movie na nagsimulang ipalabas sa local theaters noong Abril 20, Sabado de Gloria.

Komento ng isa sa Dagsinners, “Watch Dagsin now before ma-Endgame.”

Continue reading below ↓

In-incorporate ng Twitter account ng movie ang komentong iyon, kasama ang 18 sinehan (9 sa Metro Manila, 9 sa mga probinsya) kung saan palabas ito, as of April 22, Monday.

Avengers: Endgame ang bukod-tanging pelikula na mag-o-open sa local cinemas sa Abril 24, Miyerkules.

Walang pelikula na nangahas bumangga rito, lokal man o banyaga.

May mga sinehan na umaga pa lang ay open na sa Miyerkules. Meron ding 24-oras na open sa pagpapalabas nito.

Nagkakaubusan ng tiket sa first day of showing ng Avengers: Endgame. Malalaman na natin kung may eksena pa ang demigod na si Thanos sa Banaue Rice Terraces.

NOEL FERRER: Sari-saring special screenings ang naka-schedule para sa Avengers: Endgame.

Sana, sa susunod na may ganito, meron ding katumbas na malakas na Filipino film para lalo pang yumabong ang ating industriya.

Hindi ba’t nagawa iyan ng KathNiel, Sharon Cuneta, at maging ni Ate Guy noong panahon nila?

Don’t we just miss those times when we can battle these big Hollywood releases head on?

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Ang Avengers: Endgame ang ika-22 pelikula sa MCU (Marvel Cinematic Universe).

Direct sequel ito ng Avengers: Infinity War (2018), ang highest-grossing film last year.

Sa kasaysayan ng pelikula, apat pa lamang ang lumampas sa $2B na worldwide gross (hindi adjusted sa gross).

Ang mga ito ay Avatar ($2.8B), Titanic ($2.2B), Star Wars: The Force Awakens ($2.07B) at Avengers: Infinity War ($2.05B).

Natitiyak ko na lalampas sa $2B-mark ang worldwide gross ng Avengers: Endgame.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Screengrab from Avengers: Endgame
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results