Paghahanap sa bagong Xander Ford, inilunsad bago yumanig ang lindol

by PEP Troika
Apr 23, 2019
PHOTO/S: Facebook / Instagram

JERRY OLEA: Handa na ba kayo sa bagong mukha, bagong katauhan, at bagong personalidad ni Xander Ford?

Nitong Abril 22, Lunes nang 3:58 PM, ipinost ng Star Image Artist Management sa Facebook ang paghahanap nila para sa pagsasalinan ng pangalang Xander Ford na binawi nila kay Marlou Arizala.

Continue reading below ↓

Opo! Inilunsad ang bagong transformation campaign bago yumanig ang magnitude 6.1 na lindol sa Castillejos, Zambales!

Sabi sa poster, mas maraming sponsors ang naghihintay sa mas deserving na Xander Ford 2.0.

At press time ay hindi pa malinaw kung sa Rated K pa rin ilulunsad ang bagong Xander Ford.

Puwedeng itaon ang launch sa October 1 na 2nd anniversary ng pagbulaga ni Xander Ford sa ating diwa.

Hinihintay ng PEP Troika ang pahayag ng plastic surgeon sa The Icon Clinic na nagretoke sa unang Xander Ford.

Ang tanong... anong klaseng transfiguration ang dapat pagdaanan ng bagong Xander Ford upang kagatin (at ngatngatin) siya ng masang Pilipino?

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Bakit naghahanap ng bagong Xander Ford?

Ano ba ang nagawa sa atin ng lumang Xander Ford?

Kung may naalala man tayo sa dating Xander Ford, ilibing na natin iyan at huwag nang i-resurrect!

Raket lang iyan!

NOEL FERRER: Hindi ko kinaya noon si Xander Ford. Hindi ko pa rin kakayanin na may susunod sa kanyang yapak.

Magpakatotoo tayo. Isa siyang novelty na hindi umepek.

The Filipino audience deserve better!

Read Next
Read More Stories About
Xander Ford, Marlou Arizala
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results