Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Kapuso Mo, Jessica Soho at Idol Philippines, namayagpag sa ratings

by PEP Troika
Apr 24, 2019
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA: Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media, noong Abril 17, Miyerkules Santo, ay naka-16% ang Holy Week Special ng It’s Showtime, kontra sa 12.9% ng Lenten Special ng Eat Bulaga!.

Naka-25.9% ang Halik, kontra sa 15.5% ng finale ng TODA One I Love nina Kylie Padilla at Ruru Madrid.

Nitong Abril 21, Linggo ng Pagkabuhay, naka-30.6% ang pilot episode ng Idol Philippines, kontra sa 13.2% ng Studio 7.

Aba! Itinala ng Idol Philippines ang record bilang pinakamabilis na programa ng ABS-CBN na nagkaroon ng 100,000 subscribers sa YouTube. Wala pang 18 oras ay nakamit na ng Idol Philippines ang nasabing milestone.

Naka-15% ang sumunod sa Idol Philippines na Rated K, kontra sa 27.4% ng pinakamalakas na Sunday program ng GMA na Kapuso Mo, Jessica Soho.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nitong Abril 22, Lunes, naka-30.1% ang coverage ng TV Patrol sa lindol sa Luzon, kumpara sa 18.8% ng 24 Oras.

Naka-22.6% ang malapit nang magtapos na Halik, kumpara sa 11.6% ng pilot episode ng Love You Two nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion.

GORGY RULA: Ang nakuha ko namang ratings mula sa AGB NUTAM noong Abril 17, Miyerkules Santo, malaki ang lamang ng Lenten Special ng Eat Bulaga! na pinamagatang "Ikigai" sa Lenten Special ng It’s Showtime.

Nakapagtala ng 7.7% ang Eat Bulaga!, at 5.9% ang It’s Showtime na kung saan natalo pa ito ng Dragon Lady na 6.4%.

Noong April 21, Easter Sunday, kung saan bumalik na sa normal ang mga programa, kapansin-pansing ang nag-rate lang sa mga programa ng GMA-7 ay ang Kapuso Mo, Jessica Soho na may 15.8%, at 6.8% lamang ang Rated K.

Nakakuha ng 5.7% ang The Boobay and Tekla Show, at 3.9% ang Gandang Gabi, Vice.

Continue reading below ↓

Ang taas ng rating ng pilot episode ng Search for Idol Philippines na may 12.5%, at 7.1% ang Studio 7.

Pero noong araw na yun, marami ang nagreklamong mahina ang signal ng GMA-7.

May mga nakarating pang reklamo na nawala ang GMA-7 sa TV Plus. Ang istasyon lang daw ng ABS-CBN ang malinaw.

May nagpasabi rin sa aming inaayos daw talaga ang signal ng GMA-7, kaya mas malakas noong araw na yun ang karamihang programa ng ABS-CBN.

Tingnan na lang natin sa susunod na Linggo kung makakabawi ang mga dating malalakas na programa ng Kapuso network kagaya ng Sunday Pinasaya, Dear Uge, Amazing Earth, at Daig Kayo ng Lola Ko.

NOEL FERRER: Ang lalayo ng agwat at lamang ng mga nananalong shows, pero for the past how many months na, kahit saang survey ay consistent ang pananalo ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa Rated K ni Korina Sanchez.

Ano ang nangyayari? Tatanggapin na lang ba iyan at isusuko na ng ABS-CBN ang timeslot?

Continue reading below ↓

At nataon pa talagang panahon ng eleksyon.

Paano kaya ang pagbangon muli ng show ni Koring?

I’m sure, she’s not one to take things lightly. Not during our time.

Pero baka ngayon ay nag-mellow na dahil sa babies.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results