Paghataw ng Avengers: Endgame sa takilya, mapigil kaya ng "The Big One"?

by PEP Troika
Apr 24, 2019

JERRY OLEA: Ipinangalandakan ng ilang numerologists na ang Armageddon ay nakatakda noong Abril 23, 2018. Sumablay iyon.

Nitong Abril 22, Lunes, the first day after the Lenten Season... yumanig ang lindol sa Luzon. Nanginig ang mga lumang simbahan.

May mga humirit na kesyo Abril 23, 2019 ang tumpak na petsa ng End of the World.

Anong petsa na?! Showing na today, April 24, Wednesday, ang Avengers: Endgame sa lahat ng first-run cinemas ng bansa.

Magpapaawat ba ang marvelous moviegoers kahit nagbabanta ang The Big One?

Continue reading below ↓

Sa ayaw at sa gusto ni Thanos, tuloy ang pa-audition ng Star Image Artist Management para sa mas deserving gumamit ng pangalang Xander Ford.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang audition ay sa Abril 27, Sabado, 10 A.M. onwards, sa opisina ng Star Image sa 2/F The Corner Building, Hemady St. corner E. Rodriguez Sr. Av., QC (tapat ng Gold’s Gym, itaas ng Domino’s Pizza, sa 23th Street ang entrance).

Ang mag-a-audition ay dapat ipinanganak na lalaki, 18-23 y/o, 5’6” pataas, with good manners and right conduct, reality show-ready, at transformation-ready.

Plus points ang talento sa singing, dancing, acting, at hosting.

NOEL FERRER: Deadma na lang ako sa the new Xander Ford! Kani-kanyang trip iyan, and I choose to disengage!

Grabe ang impact ng Avengers: Endgame.

Umagang-umaga ay kumahog ang mga kaibigan ko sa panonood nito sa very first screening nito ngayon! This is such a craze really!!!

Dati, ang pelikulang katulad ng Kita Kita ay tumalo sa Spider-Man.

Continue reading below ↓

Ano kayang klase ng local movie ang makakatalo sa lakas ng Avengers: Endgame?

GORGY RULA: Totoo kayang may ilang reporters na nilapitan ng Star Image para i-promote ito, pero tinatanggihan daw? Ayaw nilang sakyan ang payanig nilang ito.

Pero teka, saan na ba ang orig na Xander Ford o si Marlou Arizala sa tunay na buhay? Bumalik ba sa dati ang mukha niya?

Napapag-usapan na rin lang pala ang mga nagpapabago ng mukha, may ilang aktres ang curious kung ano ang ipinagawa sa mukha ng asawa ng sikat na male celebrity na may konek sa showbiz, sports at pulitika.

Ang laki kasi ng iginanda niya na hindi halata na may ipinaayos.

Pagdating sa Avengers: Endgame, wala pa sa sistema ko kung panonoorin ko ito.

Nalulungkot lang kasi ako na pinag-uusapan ng mga tao kung paano nila maisingit ang panonood nito.

Huling narinig ko lang na pinag-uusapang gustong panoorin ay ang Heneral Luna at Kita Kita.

Continue reading below ↓

Wala na akong naririnig kung ano sa local films natin ang inaabangan nila.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results