Proposed Friday opening ng mga pelikula, hindi na tuloy?

Cine Expo Manila, naging matagumpay
by PEP Troika
Apr 24, 2019

NOEL FERRER: Matagumpay ang presentation ng movie companies sa mala-trade fair conference ng film distributors and exhibitors sa Cine Expo Manila noong April 22-23, Monday and Tuesday, sa EDSA Shangri-La.

Masigla ang forum namin nina Bb. Joyce Bernal, Dan Villegas, at Perci Intalan na nagsabing sana ay magsuportahan tayo sa paghikayat ng viewers to watch Filipino films sa sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tingnan ninyo, may pera at pupunta ang mga tao sa sinehan kapag may event movies, 'tulad ng Avengers: Endgame at Alone/Together.

Pero paano na lang ang Kuya Wes o Born Beautiful?

Nakiusap si Joyce kung puwedeng tumulong ang mga sinehang mag-produce at maglabas ng movie ads at trailers. May kamahalan daw kasi ang mga ito.

Napag-usapan naman sa session ni Tito Boy Abunda kung ano ba ang nangyari sa Friday Opening Day ng mga sine?

Tila tikom ang bibig ng lahat ng naroroon, na kaiba sa pag-asa noon ni Ma’am Charo sa guesting niya sa Radyo Inquirer nang sabihin niyang baka ang Eerie na ang huling Filipino film na opening on a Wednesday.

Anyare? Hindi muna tuloy?

Mukhang magpa-public hearing na muna yata ang FDCP para dumaan ito sa proseso.

At ang naging kundisyon ng ibang sinehan ay Wednesday opening with a guaranteed Thursday no-pull-out OR Friday opening pero no guarantees at all.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Possibly a minimum box-office income cap na dapat maabot para ma-retain sa cinemas ang mga pelikula.

Ano’ng say niyo rito, mga ka-Troika?

GORGY RULA: Ang narinig ko naman, marami ang nagkasundong gawin nang Biyernes ang opening.

Pero maipapangako ba ng theater owners na hindi sila magpu-pull out ng weekend?

May dalawang producers lang daw na gustong Miyerkules pa rin ang opening day.

Kasi, kung gusto nilang i-retain pa rin ang Wednesday opening, huwag lang sana mag-pullout ng dalawang araw. Kaya mahabang talakayin pa ito.

Sana may magagawa pa, dahil hindi na alam kung ano pa ang puwedeng gawin para mapansin ng mga manonood ang mga pelikula natin.

So far, mga Star Cinema movies lang ang nakakabawi, e.

JERRY OLEA: Mahal ang sine. Mahirap ang buhay.

Uunahin mo pa ba ang panonood ng sine kesa sa pambili ng bigas at mga pangunahing pangangailangan?

Ilang beses ko na ring nasabi, panonoorin ng mga tao ang mga pelikulang gusto nilang panoorin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi sila mapipilit na gumastos para manood ng pelikula na hindi interesting para sa kanila.

Kailan lang ay may pa-premiere ang isang local movie.

Libre ang tiket na ipinamumudmod, may kasama pang libreng popcorn at libreng mineral water.

Ganoon pa man, dedma ang mga taong inaalok na manood.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results