Gandang Gabi Vice, kinabog ng TBATS sa Kantar ratings

by PEP Troika
Apr 24, 2019
PHOTO/S: GGV / TBATS

JERRY OLEA: Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media noong Abril 21, Easter Sunday, naka-24.4% ang bagong offering ng Wansapanataym na "Hiwaga ng Kambat," kontra sa 12.1% ng Daig Kayo Ng Lola Ko Year 2.

Kapagkuwan ay naka-30.6% ang pilot episode ng Search for the Idol Philippines, kontra 13.2% ng Studio 7. Inilampaso!

PERO... sa MGA sumunod na palabas ay wagi na ang Kapuso Network!!!

Naka-15% ang Rated K at naka-8.9% ang PBB Otso, kontra sa 27.4% ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Naka-8.2% ang Gandang Gabi Vice, kontra sa 9.2% ng The Boobay And Tekla Show.

Opo! Maging sa Kantar Media ay kabog ang GGV sa TBATS?

Continue reading below ↓

Kina-cannibalize ba ng Idol Philippines ang GGV sa ratings?!

Naka-2.7% ang TNT All-Star Showdown sa Sunday’s Best, kontra sa 4.2% ng religious movie na Risen sa Sunday Night Box Office.

Tingnan natin sa susunod na Sunday ratings kung lalong bobongga ang Idol Philippines at the expense of GGV!

GORGY RULA: Ngayon lang nangyari ito sa Sunday ratings ng Kantar Media, di ba?

Dati, Kapuso Mo, Jessica Soho lang ang Kapuso program na umaariba sa Kantar kapag Linggo.

Pero dahil mataas ang ratings ng Idol Philippines, kung saan bidang-bida si Vice Ganda bilang hurado, bumagsak maging sa Kantar ang kanyang GGV.

Nakakaaliw si Vice sa Idol Philippines at bentang-benta ang mga patawa niya, lalo na’t nandiyan si Regine Velasquez na tagatawa sa jokes niya.

Komento ng ibang nakapanood ng Idol Philippines, si Regine lang talaga ang may karapatang mag-judge sa programa.

Pero nakakatuwa na nandoon si Vice Ganda.

Si Moira ay malakas ang hatak sa social media kaya iyon siguro ang dahilan kaya kinuha siyang mag-judge.

Continue reading below ↓

Waley ang mga komento ni James Reid, pero ang guwapo kasi niya kaya siya ang representative ng millennials at eye candy na rin sa show.

NOEL FERRER: Naniniwala akong walang overexposure sa TV, pero mukhang Vice to Vice ang Idol Philippines na halos ka-back-to-back ng GGV.

I hope, walang mag-suffer.

In the end, ang stand ko... lampas sa ratings war, ang audience ang panalo rito.

Sana pagandahin pa ng mga tagapangasiwa ng produksiyon ang kalidad ng kanilang programa, para hindi lang sila pinapanood nang walang wawa, kundi ipinagmamalaki pa.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: GGV / TBATS
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results