Alden Richards, inimbitahan kaya si Maine Mendoza sa grand opening ng fastfood franchise niya?

by PEP Troika
Apr 24, 2019
PHOTO/S: Courtesy of Richard Faulkerson

GORGY RULA: Katatapos lang ng misa sa bagong McDonald’s outlet ni Alden Richards na matatagpuan sa Biñan, Laguna, ngayong Miyerkules ng hapon, April 24.

Kahapon (Abril 23, Martes) pala dumating ang Pambansang Bae at kaagad niyang inasikaso ang blessing nito ngayong Miyerkules sa tulong ng kanyang pamilya.

Continue reading below ↓

Dumalo roon ang ilang pulitiko ng Laguna at mga kaibigan ni Alden na karamihan ay Kapuso stars.

Present ang mga dati niyang kasamahan sa Tween Hearts na sina Joyce Ching, Kristoffer Martin, at Bea Binene.

Nandoon din sina Winwyn Marquez at Rodjun Cruz, at GMA executives na sina Ms. Lilybeth G. Rasonable, Redgie Magno at Gigi Santiago-Lara.

Sa Biyernes, Abril 26, ang grand opening ng McDo outlet ni Aden.

Inaalam pa ng PEP Troika kung sinu-sino ang special guests ni Alden sa ribbon-cutting.

Kasama kaya sa mga imbitado si Maine Mendoza na kasama niyang endorser sa food chain na ito?

JERRY OLEA: Nawala sa diwa ko ang soft opening ng fast food franchise ni Alden dahil sa mga balitang lindol, at pagyanig ng Avengers: Endgame sa takilya ngayong Abril 24, Miyerkules.

Mas mabuting huwag nang pumunta si Maine sa grand opening, para hindi na HSW (hopia sa wala) ang AlDub Nation.

Continue reading below ↓

At mas OK kung mag-mediacon o blogcon doon ang KathDen pag malapit nang ipalabas ang kanilang movie.

NOEL FERRER: Good luck kay Alden Richards!

Ito ang bunga ng pagka-focused niya sa kanyang trabaho... ang investment tulad ng McDo franchise.

I’m sure, tuwang-tuwa sa kanya ang mga kaibigan nating boss na sina Margot Torres at Kring Lao.

After this, puwede na sigurong mag-love life si Alden.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Courtesy of Richard Faulkerson
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results