Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Dating TV5 segment producer, siniraan ng nagpakilalang ina niya sa Eat Bulaga

by PEP Troika
Apr 24, 2019
PHOTO/S: Madz Aguilar Facebook

NOEL FERRER: May masalimout na nangyari sa "Juan For All, All For Juan" segment ng Eat Bulaga! nitong Abril 24, Miyerkules.

Nataon na ang napuntahan ng Dabarkads sa San Mateo, Rizal ay bahay ng isang ale na may anak daw sa show business.

Kung anu-ano ang pinagsasabi ng ina laban sa anak, na kesyo nagkatrabaho na ito ay hindi na raw namamansin.

Ang anak na itinuturo ay si Madz Aguilar.

Continue reading below ↓

Si Madz Aguilar (kanan) at ang kinikilala niyang ina

Pati ang hosts ng Eat Bulaga! ay nagpatotoong kilala nila si Madz, na segment producer ng Wow Mali, Talentadong Pinoy, at iba pang palabas noong nasa TV5 siya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nagpatunay rito sina Joey de Leon, Paolo Ballesteros, at Ryan Agoncillo.

Ngayon, nasa GMA na si Madz at nagtatrabaho nang maayos.

Na-feature pa ang buhay niya sa Magpakailanman dahil sa nag-viral na post niya na, “Kung Lumingon Ka, Akin Ka.”

Nalungkot si Madz sa mga sinabi ng nagke-claim na ina at kapatid niya. Sobrang nabagabag siya sa paninira sa kanya.

Siya ang ipinamigay at mula noon, hindi siya nagtanong.

Naging mapagmahal na anak si Madz sa kumupkop sa kanya sa Bicol.

Sayang... imbes na maging daan ng pagbubuklod ng pamilya ang pagkakataong iyon, mga sugat sa puso ang iniwan ng mga matatalim salita.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Nawindang si Madz sa nagpakilalang ina at kapatid, lalo’t pinagbintangan siyang walang utang na loob.

“WHO YOU? SINO KAYO!!!!” talak ni Madz sa Facebook.

Dagdag ni Madz, hindi niya kilala ang mga ito dahil ibang mga tao ang kinagisnan niya at nag-aruga sa kanya.

Ni hindi raw niya nakita ang anino ng mga ito.

Kaya nang siraan siya ng mga ito on national TV para kaawaan, ang sabi ni Madz, “Wow, magic!!!! Never ko kayong kikilalanin sa ginawa ninyo sa akin!”

Ipinost ni Madz ang litrato nila ng kinalakihan niyang ina mula nang magkaisip siya.... ang ina na nag-aruga, nagpakain, at nagpakahirap para makapagtapos siya ng pag-aaral.

“Kung may UTANG NA LOOB man ako, dito kay mother dear...” bahagi ng makadurog-puso at makawasak-atay na himutok ni Madz.

“ITO ANG MAMA KO FOREVER SA PICTURE, WALA NANG IBA. “AND I THANK YOU!!!!”

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Marami talagang drama sa "Juan For All, All For Juan" segment ng Eat Bulaga.

Ang nakakalungkot, on national TV pa sila nagkaalaman. Sana, magkaayos na lang.

Sunud-sunod na ang mga lindol, hindi na natin alam kung ano ang mangyayari sa atin sa mga darating na araw.

Wala na sanang kinikimkim na galit. Iwaksi na ang poot at galit sa puso natin! Mag-ina naman sila.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Madz Aguilar Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results