Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, nagpatikim ng mga putahe sa resto nila

by PEP Troika
Apr 25, 2019
PHOTO/S: Noel Ferrer

NOEL FERRER: Nag-food tasting ang Angrydobo restaurant nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo nitong Abril 24, Miyerkules, sa Taft Avenue, Manila, sa tapat ng De La Salle University.

Appetizer choices ang angrydobo nachos fully loaded at cheesy sweet potato fries.

Ang major meal ay may 4 choices: angrydobo classic (pork belly), shortribs, chicken, sardines with egg.

Continue reading below ↓

Lahat ng ito ay may basic angrydobo sauce na signature concoction ni Chef Juday.

Ang dessert ay choice ng dark or white chocolate champsicle (champorado popsicle) na napakasarap.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Imbes na kumuha ng franchise at maghintay ng puwesto sa food courts at foodparks, heto at magtatayo na sila ng masasabi nilang kanila talaga!

Continue reading below ↓

Kasama sa foodtasting ang mentor nilang dalawa na si Chef Gene Gonzalez na nagbigay ng seal of approval at blessing sa bagong business ng mag-asawa.

To Juday and Ryan who are celebrating their 10th wedding anniversary on Sunday, salamat sa patuloy na inspirasyon at pagmamahal!

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Sa Mayo inaasahang magbukas ang nasabing restaurant ng mag-asawa.

Reasonably priced ang combo meal, na target ang mga estudyante.

Mahigpit ang competition dahil andami nilang kalaban na ansasarap din ng mga pagkain.

Hopefully ay suwertehin ang puwesto nina Juday at Ryan.

GORGY RULA: Itong Angrydobo na yata ang bagong baby ng mag-asawa, ano?

Continue reading below ↓

Nabanggit kasi noon ni Judy Ann na happy na sila sa tatlong anak. Pero kung mabiyayaan sila ng isa pa, okay pa rin daw.

At least, may pinagkakaabalahan si Juday dahil hindi pa niya inaasahang matuluy-tuloy ang taping niya sa Starla.

Totoo bang habang may FPJ’s Ang Probinsyano, nakatengga muna si Starla?

Read Next
Read More Stories About
Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Ferrer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results