Juris, may bagong kanta para sa mga kabit

by PEP Troika
Apr 26, 2019
PHOTO/S: Noel Ferrer

NOEL FERRER: Dream ni Juris magkaroon ng major concert with an orchestra kaya nag-abala ang sister niyang si Yen na i-grant ang kanyang wish.

Sa concert niya sa Resorts World Manila Newport Performing Arts Theater, sa June 15, makakasama ni Juris ang Metro Music Orchestra under the baton of her musical director Francis Concio.

Continue reading below ↓

Juris Fernandez and Francis Concio

Tenth year na ni Juris bilang solo artist (galing siya sa MYMP before).

Tulad ni Juris, nagdiriwang si Francis ng 10 years sa industriya.

Si Francis ay 10 taon nang musical director ng TV at films, at composer ng mga kanta.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Francis co-wrote with his wife Carla, Juris’s manager for the longest time, the song titled "Paano Kung" na nabinbin ang release dahil nag-baby number 2 muna si Juris.

But now, iyan ang carrier single sa kanyang bagong album under Star Records na ilalabas next month.

Ang story ng kanta ay galing sa isang mistress na kaibigan ni Carla na minahal at tunay na nagmahal.

Paano nabibigyang justice ni Juris ang ganoong kanta ng heartbreak at kabit, e, napakasaya ng buhay niya with her husband and two children?

“Mahirap maging kabit. Lahat tayo, gustong magmahal at mahalin, the right one will come along. everything will fall into place,” sabi ni Juris.

Continue reading below ↓

“If you think you found the person that is the one for you but clearly God has chosen someone else for her/him, chances are you will get hurt and will hurt others, too.

“So let go, love yourself, and know you deserve better.”

Vicarious ang kanyang experience at ninanamnam niya ang hugot ng kanta, na siya niyang gagawin sa concert sa June 15 with very special guests na surprise talaga, pero matutuwa tayong lahat!

GORGY RULA: Kakaiba ang konsepto ng bagong single ni Juris.

Maraming kabit na makaka-relate, pero tahimik lang silang tatangkilikin ang kantang ito dahil hindi nila puwedeng ipangalandakang kabit sila. Ewan ko lang kay La Greta!

At least, meron naman palang kantang para talaga sa mga katulad nila.

Magpapa-download ako niyan sa iTunes o Spotify para ma-forward ko sa isang dating beauty queen at magandang aktres na bida ng isang sikat na teleserye!

Good luck kay Juris na isa sa pinakagusto kong mang-aawit.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: May sariling hukbo ng tagahanga at tagasubaybay si Juris.

Nawa’y tangkilikin ng mga kabit ang kanyang dream concert.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Ferrer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results