Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Kisses Delavin, tanggap na ang pagkabuwag ng DonKiss love team

by PEP Troika
Apr 26, 2019
PHOTO/S: Mark Atienza / Star Magic

JERRY OLEA: Buwag na ba ang love team nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin?

“Minsan, naisip ko, ang ganda na ng bagay na ito, bakit kailangang matapos?” sambit ni Kisses sa sold-out concert niyang A Life Full of Kisses nitong Abril 25, Huwebes, sa Music Museum.

Aniya, tadhana na ang nagpasya.

Continue reading below ↓

Dagdag ni Kisses, kailangan niyang i-accept ang mga pangyayari “in order for better things to happen.”

Pagdidiin ni Kisses, “You know, guys, you need to claim to the Fate... Fate, na may mas maganda pang darating na bagay kaysa sa mga umalis!”

Masigabo ang tilian at sigawan ng fans na nagmamahal sa dalaga.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“If I spend my whole life thinking na, ‘Sayang ang past, ang ganda, sana hindi na lang natapos,’ I would never be happy.

“Kasi, you can’t claim the people. Kasi, people leave...” sabi pa ni Kisses.

Siyanga pala, second sold-out concert na ito ni Kisses.

Nauna iyong Confidently Kisses noong Pebrero 24, 2018 sa Kia Theater, kung saan guest si Tony Labrusca.

GORGY RULA: Mas alam ng ABS-CBN at Star Magic kung bakit binuwag na ang love team nina Kisses at Donny.

Napa-sold out nga nila ang concert kahit wala si Donny, kaya naitawid na nila ang pagsu-solo ni Kisses. na rin.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: They seem to have served their purpose.

OK lang sa akin na maghiwalay sila. They both need to grow.

Feeling ko rin, hindi talaga sila bagay.

Well, akin lang naman iyan.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Mark Atienza / Star Magic
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results