Avengers: Endgame, pinirata na sa Facebook

by PEP Troika
Apr 26, 2019
PHOTO/S: Screengrab from Avengers: Endgame

JERRY OLEA: Ang daming panawagan at pakiusap na huwag mag-post ng spoilers tungkol sa Avengers: Endgame.

Kamukat-mukat mo, pinirata na ang buong pelikula at nasa Facebook, pinu-forward pa sa Messenger. Malinaw ang kopya na may Chinese subtitles, huh?!

Ayaw ni Thanos ng ganyan!

As expected, sumisira ng box-office records ang Avengers: Endame.

Continue reading below ↓

Tinatayang $169M ang hinamig ng pelikula nitong Abril 24, Miyerkules, sa 25 bansa sa labas ng North America, ayon sa Box Office Mojo.

Single-day records ang itinala ng Avengers: Endgame sa opening day sa China ($107.5M), Australia ($7M), Pilipinas ($3.9M), Hong Kong ($2.7M), Taiwan ($2.6M), Thailand ($2.4M), Malaysia ($2M) at Indonesia ($2.5M).

Umariba rin ang first-day gross nito sa Germany ($5.6M), Italy ($5.8M), France (estimated $6M), at South Korea ($8.4M).

Needless to say, mas umaarangkada ang Avengers: Endgame kesa sa Avengers: Infinity War (2018) sa lahat ng markets.

Makakaapekto ba ang pirated version ng Avengers: Endgame sa box-office results nito? Hindi.

Ratsada na ang advanced ticket sales nito. Sold out ang screenings.

Pinag-uusapan ang mga kaganapan dito, lalo na ang kinahinatnan nina Iron-Man, Captain America, at Thor.

May mga eksenang sinisigawan, at pinapalakpakan.

Iyong umaatikabong bakbakan, sa wide screen dapat panoorin.

Bonggang-bongga ang word-of-mouth sa Avengers: Endgame!

Read Next
Read More Stories About
avengers endgame, Avengers
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Screengrab from Avengers: Endgame
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results