JERRY OLEA: Magpapayanig ang Chippendales sa kanilang Let’s Misbehave Tour sa Pilipinas.
Ayon sa prodyuser na si Mr. P, kasado na ang pagtatanghal ng nasabing dance troupe sa The Cove ng Okada Manila (Hunyo 24, Araw ng Maynila), The SMX Davao City (Hunyo 28), at The Waterfront Hotel ng Cebu City (Hunyo 30).
Mag-iinit ang mga G (Girls, Gays or Glorious) sa mga indayog at pa-Felix Bakat nina Tyler, Chris Mike, Bryan, Shiva, Mozart, Tory, Cody, at Joey sa loob ng isa’t kalahating oras.
May solo-solo silang pasiklab, at production numbers ng grupo.
“May bed scene at shower scene!” sabi ni Mr. P.
“At pagkatapos ng palabas, may meet-and-greet.”
Puwede ba ang kiss sabay hug at selfie? Mabibili ang tiket sa SM Tickets.
NOEL FERRER: So, mga B (binibini, binabae, babae-babaehan) ang audience ng Chippendales this 2019, unlike sa Music Museum before na strictly women ang target audience.
Welcome ang mga pusong babae, pusong mamon, at pusong pilipit.
E, kung Pinoy actors or models ito, papatok kaya?
I was thinking na if done well, papatok ang Magic Mike act dito sa atin!
GORGY RULA: Uso pa ba ang Chippendales?
Ang dami pang mga naggaguwapuhang male strippers gaya ng Magic Mike, Atlanta Male Stripper, Dreamboys, Thunder Down Under, at iba pa.
Pero mas sikat pa rin kasi ang Chippendales.
Kaya lang, iba ang pagtanggap sa ganoong male strippers dito sa atin.
Sana kagatin sila dito sa atin dahil ang dami pang puwedeng pagkagastusan ng mga mayayamang bading at matrona.