JERRY OLEA: Nakangiti si Richard Reynoso sa isa sa dalawang litratong pinost niya sa Facebook nitong Abril 27, Sabado ng tanghali.
"Halehalehoy!!! A month after my thyroidectomy, am back in the hospital to have my whole body scan to see if there are still any cancer cells left in my body prior,” aniya. “Results will then determine how much radioactive iodine treatment I'll be needing including the amount of thyroid hormone pill I'll be taking to normalize everything."
Hindi biro ang pinagdadaanan ni Richard. Kamakailan, sumailalim siya sa Thyroidectomy, isang surgery na tumagal ng six hours para tanggalin ang thyroid gland niya, pero nakukuha pa niyang ngumiti ngayong balik-ospital siya.
Sa isa pang litrato ay nakangiwi as if jino-joke lang niya ang lahat.
Nang kumustahin namin si Richard sa Facebook Messenger, ang sabi niya, "I gained weight due to hypothyroidism, sleepy, madaling mapagod and lazy. But those are nothing compared to the fact that I get calls for singing stints and just had to say I can’t yet. I tried singing pero medyo hirap pa rin. I’m hopeful na once I take my thyroid hormone pill, everything will be back to normal."
Lubos ang pasasalamat ni Richard sa lahat ng nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa kanya, maging sa doktor niyang si Dr. Rene Chan at sa PAL Dependents Medical Plan (PDMP) "for still making this manageable for me than most similar cases I heard of."
Nananalig si Richard na sa awa at tulong ng Diyos, "magiging maayos na pong lahat soon. Rakenrol!"
NOEL FERRER: Kasama si Richard Reynoso sa grupo ng OPM performers na inanyayahan namin for a special project for clean and honest and orderly and peaceful elections. OK sana siya pero may hospital appointment siya. Kaya sana, maging cancer-free na siya talaga at marami pa siyang magagawa para sa industriya natin at bayan.
GORGY RULA: Nakakatuwa kung paano i-handle ni Richard Reynoso ang karamdaman niya. Sana, malagpasan niya ito nang hindi naapektuhan ang boses niya.