Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Kim Domingo ayaw nang magpa-sexy: 'Gusto ko magdrama'

by PEP Troika
Apr 27, 2019
Kim Domingo is dead set on dropping sexy image. She says, "...gusto ko mabigyan ako ng pagkakataong magdrama."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA: Thankful si Kim Domingo sa GMA-7 dahil suportado nito ang desisyon niyang tumigil na sa pagpapa-sexy.

Regular si Kim sa Bubble Gang, kung saan meron pa siyang segment na "Patikim ni Kim," na may double meaning. Hindi na raw ito pinagawa sa kanya dahil hindi na siya kumportable. Kahit mag-two-piece swimsuit ay hindi na rin siya pinasuot. Nag-one-piece swimsuit lang daw siya sa nakaraang summer episode ng naturang gag show.

"Sinuportahan naman nila ako, kaya very thankful ako sa GMA kasi hindi nila ako pinilit dun sa bagay na ayoko ko nang gawin," pahayag ni Kim.

Puwede lang daw siyang maging daring sa Bench dahil underwear kasi ang minu-model niya. Pero noong nakaraang Fashion week ay naka-one-piece na rin at may bolero ang suot niya sa pagrampa.

Gusto raw niya talaga itong gawin hindi dahil merong nagbabawal sa kanya. Dumating kasi sa puntong hindi na siya masaya sa ginagawa niyang pagpapa-sexy.

"Mahirap kasing gawin ang isang bagay na hindi ka na masaya, e. Hindi mo na na-e-enjoy iyong trabaho mo.

"Ako pa naman, pag nagtrabaho ako, nandoon iyung puso ko sa ginagawa ko. Gusto ko, masaya ako sa ginagawa ko. Lagi ko naman sinasabi before pa, kahit noong time na nagpapa-sexy ako, na gusto ko mabigyan ako ng pagkakataong magdrama, na makita rin iyong other side with Kim, na bukod sa comedy at pagpapa-sexy, marunong din magdrama,” saad ng Kapuso actress.

Inihahanda na raw niya ang sarili na posibleng lumamlam ang career niya dahil sa pagtanggi niya sa pagpapa-sexy.

"Ni-ready ko na iyung sarili ko na sabi ko nga, kung dumating man iyung panahon na sabihin natin na iyong kinang ko, unti-unti nang mawala.

"At the end, naging masaya ako sa desisyon ko, iyon naman ang importante na naging masaya ako sa ginagawa ko.

"Alam ko, maraming artista na hindi makaalis…kumbaga, wala silang choice. Sumusunod sila sa kung ano iyong sabihin kahit hindi na sila masaya.

"Ayokong maging katulad nila na ganoon," seryosong pahayag ni Kim sa set ng pelikulang Kiko en Lala, na pinagbibidahan ni Super Tekla.

JERRY OLEA: Halatang masaya si Kim sa pakikipag-live in sa kanyang kasintahan na si Mike Acuña, kaya hayaan natin siya. Kung ano lang ang kaya niyang ipatikim sa mga manonood, tanggapin natin.

NOEL FERRER: Sana, sila na talaga!

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Domingo is dead set on dropping sexy image. She says, "...gusto ko mabigyan ako ng pagkakataong magdrama."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results