Cinemalaya awards night forecast: Sino ang bet mo manalo?

Ruby Ruiz, Iza Calzado, Meryll Soriano: Sino kaya ang mananalong best actress?
by PEP Troika
Aug 11, 2019
(L-R) Jay Manalo, Ruby Ruiz, at Ricky Davao: Sino kaya sa tatlo ang mananalo ng award sa awarding ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival?
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Magdilang-anghel kaya si Iza Calzado? Bet niyang mag-best actress sa awards night ng 15th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival mamayang 7:00 p.m., sa CCP Main Theater, si Ruby Ruiz (Iska).

Hindi sasama ang loob ni Iza (Pandanggo sa Hukay) at malugod niyang tatanggapin ang tropeo sakaling siya ang mag-best actress.

Palaban din sa kategoryang ito sina Meryll Soriano (John Denver Trending) at Mylene Dizon (Belle Douleur).

If ever, pangatlong best actress award na ito ni Meryll sa Cinemalaya.

Sa best actor, llamado si Louise Abuel (Edward). Puwedeng makasilat si Jansen Magpusao (John Denver Trending) o si Noel Comia (Children of the River), na nag-best actor na sa Cinemalaya para sa Kiko Boksingero noong 2017.

Sa best supporting actress, panggulat ang performance ni Ella Cruz (Edward). Ano kaya kung sa kategoryang ito ilagay si Meryll Soriano (John Denver Trending)?

Agaw-eksena si Yayo Aguila (F#*@bois), na naging Cinemalaya best supporting actress na para sa Kiko Boksingero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Eksenadora rin si Mercedes Cabral (Pandanggo sa Hukay).

Ang nakakalukring, kung best actress na si Ruby Ruiz sa Iska, e, best supporting actress din siya para sa F#*@bois o Belle Douleur.

Sa best supporting actor, bet na bet nating mag-party-party para kay Ricky Davao (F#*@bois). Pero paandar din ang pag-ubu-ubo ni Dido de la Paz (Edward), at ang aastig-astig na si Elijah Canlas (Edward).

Kumukurot sa puso ang eulohiyo ni Jay Manalo (Children of the River), at may sindak factor si Ybes Bagadiong (Pandanggo sa Hukay).

Para sa best picture/director, paborito ko ang Edward (Thop Nazareno). Nagustuhan ko rin ang John Denver Trending (Arden Rod Condez), F#*@bois (Eduardo Roy Jr.), at Children of the River (Maricel Cariaga).

NOEL FERRER: Almost same choices ako sa iyo, Tito Jerry!

Siyempre ang desisyon mamayang gabi, August 11, ay nakabase sa members ng jury.

Leading the jury who will be judging the main competition entries is Dr. Andreas Ungerböck with Korean director Park Kiyong, and Filipino directors Mes de Guzman, Keith Sicat, and Dwein Baltazar.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Film advocate Indu Shrikent and filmmakers Kan Lume and Jerrold Tarog will be the NETPAC Jury members.

Tunay na masaya na kami ng alaga kong si Izadora na makasama ulit sa Cinemalaya at mabigyang-daan ang isa na namang kakaibang materyal at baguhang director. Sa iba na namin wini-wish ang awards, habang si Iza nama'y may birthday salubong mamayang gabi kasama ng kanyang pamilya.

Congratulations sa lahat!

GORGY RULA: Kuntento ako sa full-length entries ng Cinemalaya ngayong taon.

For the past two years, lagi akong naiirita sa mga kalahok na full-length film sa main competition. Iilan lang sa mga kalahok noon ang masasabi mong puwede nang ilaban.

At least, maraming magaganda ngayong taon kahit mabigat sa dibdib ang temang tinatalakay, pero totoo.

Ang napansin ko lang, may ilang direktor na kasali ngayon na naimpluwensiyahan na rin ng mala-teleseryeng atake sa materyal nila na puwedeng pumatok sa masa kapag ipinalabas ito sa commercial theaters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Number one sa akin ang John Denver Trending dahil sa napapanahon ang tema, at siguro Bisaya ako na kahit sa simpleng dialogue ni Jansen Magpusao na gumanap bilang si John Denver, ramdam na ramdam ko ang bigat na dinadala niya nang pinagpiyestahan siya ng netizens sa nag-trending na video nito.

Agree rin ako kung si Louise Abuel ng Edward ang magwaging Best Actor.

Pero malay natin baka mag-tie ang dalawang bida ng F#*@bois na sina Royce Cabrera at Kokoy de Santos, di ba?

Sa kategoryang Best Actress ay puwedeng maglaban sina Ruby Ruiz ng Iska at Meryll Soriano ng John Denver Trending.

Pero sa Best Supporting Actor, parang wala na akong maisip kung sino ang puwedeng makatalo kay Ricky Davao sa F#*@bois.

Sa Best Supporting Actress ay puwede talagang magwagi si Ella Cruz ng Edward sa napakanatural niyang akting sa pelikulang iyun.

Napakalutong niyang magmura na tila sanay na sanay na siya sa ganoong pagsasalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa totoo lang, gusto ko ang suporta kay Iza Calzado nina Mercedes Cabral, Star Orjaliza, at kahit sina Diva Montelaba at Sarah Pagkaliwagan-Brakensiek sa Pandanggo sa Ilaw.

Sana, sa mga susunod na filmfest, makapanood pa tayo ng iba pang pelikulang likha nina Eduardo Roy Jr., Thop Nazareno, Arden Rod Condez, Sheryl Rose Andes, at Maricel Cariaga.

Gusto ko ring i-congratulate sina Atty. Joji Alonso ng Belle Douleur at Xian Lim ng Tabon sa pagsali nila ngayong taon. Nakikita mo ang dedikasyon nila sa movie industry natin.

Natupad ang pangarap nilang magdirek ng pelikula at puwede pa silang gumawa ng iba pang material na puwede nilang i-express ang iba pang gusto nilang gawin.

Samantala, alam ba ninyong isa pala sa inimbitahang mag-judge dito sa Cinemalaya ay si Direk Chito Roño? Pero tumanggi siya dahil nagpapagaling pa rin siya hanggang ngayon.

Sana, next year ay kayanin na niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Jay Manalo, Ruby Ruiz, at Ricky Davao: Sino kaya sa tatlo ang mananalo ng award sa awarding ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival?
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results