JERRY OLEA: “These are exciting times for cinema!” sabi ni Charo Santos noong nakaraang Marso 2 sa mediacon ng pelikulang Eerie na ginanap sa Trinoma, Q.C.
Agree ba rito si Direk Laurice Guillen?
“Yes, I believe that!” mabilis sa tugon ni Direk Laurice nang mainterbyu namin sa mediacon ng pelikula niyang Man and Wife nitong nakaraang Huwebes, Abril 25, sa Racks, Timog Ave., Q.C.
“Iyong pelikula kasi, may technology, may business, and may art.
“So, lahat ng aspetong iyon, kailangang i-consider mo para gumanda yung industriya natin.
“It’s exciting in the sense that there’s now the possibility of going international.
“It’s not just going to a film festival or being screened in a theater abroad. It’s not just that.
“It’s because the platform itself, it transcends. It’s terrestrial.
“Ibig sabihin, lahat kung saan may mapi-pick up na signal diyan, nandoon ka na.
“Since ganoon ngayon ang takbo ng technology, this is what’s possible, hahabol tayo ngayon sa content.
“So, ang content, hindi iisa lang na klase ng pelikula.
“Kasi, ang tao, ang iba’t ibang tao, iba’t ibang kultura, iba-iba ang hilig, di ba?
“So, I never say, ‘O, itong ganito lang ang dapat dahil ito lang ang kinikita.’
“That is OK for, let’s say, our audience right now.
“But every film that is made, I think eventually—because of this new technology—will have its own market audience.
“So, it’s up to the business now to capitalize on that. Make money for these people.”
Siya nga pala, pagpupugayan sina Ma’am Charo, Direk Laurice at Direk Marilou Diaz-Abaya (posthumous) sa 67th FAMAS Gabi ng Parangal ngayong Abril 28, Linggo, sa Meralco Theater, Ortigas Ave., Pasig City.
NOEL FERRER: While it is exciting, realistically too, it’s time to retreat for the movie Sons of Nanay Sabel.
Sabi ni Ai-Ai de las Alas, “May 8 na po kami... kasi, bongga ang Avengers: Endgame.
“Mamili lang kami: move o endgame kami lahat. Hahahaha!”
Magkakasabay na sa May 8 playdate ang Sons of Nanay Sabel, Man and Wife (nina Gabby Concepcion at Jodi Sta. Maria), at Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon.
Naiwan sa May 1 playdate ang exorcism movie na Maledicto nina Tom Rodriguez, Miles Ocampo at Jasmine Curtis-Smith.
Mamaya, magandang tingnan kung ilan sa mga paparangalan ng FAMAS ang nakabawi sa box office.
Kasi, yun naman ang gusto sana natin—wagi na ng award, wagi pa rin sa box-office!
GORGY RULA: Noong nakaraang taon lang binago ang FAMAS, at tila bumalik na ang interes ng mga taga-showbiz sa pinakamatandang award-giving body na ito.
Dahil sa naiba ang bumubuo na nito ngayon, bumalik ang kredibilidad at ang laking bagay na sa mga artista, producer, direktor at technical people na ma-nominate at manalo sa FAMAS.
Ang dami nang nagtatanong sa akin ng leakage pero waley talaga!
Kaya abangan natin ang awarding mamayang gabi.