April 28, special day para sa three showbiz couples

by PEP Troika
Apr 28, 2019
PHOTO/S: Instagram / PEP Alerts

NOEL FERRER: April 28 ang auspicious day sa three couples na malapit sa atin!

It’s Sharon and Kiko’s 23rd Wedding Anniversary.

It’s Lucy and Goma’s 21st.

Continue reading below ↓

And i's Juday and Ryan’s 10th Anniversary.

Mamaya, may misa at salu-salo sa kanilang bahay kasama ng Barangay Santos-Agoncillo.

Maaga pa lang ay nag-post na sina Ryan at Juday ng kanilang pag-alala sa kanilang isang dekada ng pag-iisang dibdib.

May mga kuha mula sa kanilang personal dates and celebrations.

Continue reading below ↓

Bukod sa kani-kaniyang posts ay nag-comment pa sila in each other’s posts.

Sina Goma at Lucy ay iba.

Ipinost ni Richard ang commercial kung saan niya unang nakilala ang napangasawa.

Marahil, busy pa si Lucy sa pangangampanya and usually, well-composed at pasabog ang kanyang remembrances.

Hinihintay pa ng fans ang paggunita ng mag-asawang Sharon and Kiko sa kanilang wedding anniversary.

In any case, this auspicious day wouldn’t be complete without greeting these three pairs the best in their marriages.

Kahit marami na silang pinagdaanan, patuloy silang tinitingala at ginagawang inspirasyon para sa matibay na pagsasama sa showbiz.

GORGY RULA: Nakikita kay Sharon kung ano talaga ang totoo dahil hindi siya marunong magtago.

Kaya nakakaduda ang pagtawag niyang ‘neighbor’ at ‘housemate’ sa asawa niya.

Sinabi rin niya sa mediacon ng Kuwaresma na okay pa raw sila at masaya raw ang mga anak nila, kaya hayaan na lang daw kung ano ang interpretasyon ng iba.

Continue reading below ↓

Kung wala man tayong mabasa sa kanilang social media account, bahala na rin tayong mag-isip at mag-interpret kung ano ang ibig nitong sabihin.

Ang mahalaga ay magkasama pa rin sila at okay silang pamilya.

Basta, wish ko lang ang renewal of vows sa kanilang 25th wedding anniversary.

JERRY OLEA: Let us not be suspicious kina Sharon and Kiko.

Baka busy ang housemates/neighbors kaya wala pa silang payanig sa socmed.

Nawa’y manatiling kulay-rosas ang Abril 28 para sa kanila!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram / PEP Alerts
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results