Avengers: Endgame worldwide box-office gross, umabot na ng $487M

by PEP Troika
Apr 28, 2019

JERRY OLEA: Ayon sa Box Office Mojo, tinatayang $487M na ang international gross ng Avengers: Endgame.

Ang mga bansa sa labas ng North America kung saan rumatsada ang Avengers: Endgame mula Abril 24 hanggang 26 (Miyerkules hanggang Biyernes) ay China ($217.4M), UK ($27.0M), Korea ($23 M), Australia ($19.7M), Germany ($15.2M), France ($13.5M), Italy ($13.4M), Brazil ($12.5M), Mexico ($12.5M), Philippines ($10M), India ($9M), Indonesia ($7.7M), at Hong Kong ($7.1M).

Continue reading below ↓

Taob agad ang record ng The Fate of the Furious (2017) na $443M ang international opening weekend gross!

Tinatayang $156.7M ang opening day gross ng Avengers: Endgame noong Abril 26, Biyernes sa North America.

Kasama riyan ang Thursday previews na $60M.

More or less, $644M ang worldwide gross ng Avengers: Endgame sa loob ng tatlong araw.

Kabilang sa mga domestic record (North America) na winarat ng Avengers: Endgame ang Largest Single Day, Biggest Opening Day, Biggest Friday, Fastest Ever to $100M, Fastest Ever to $150M, at Widest Opening.

Kaya ba ng Avengers: Endgame na maka-$1B sa loob ng limang araw na pag-release?

Basta, maliwanag na hindi lang mga Pinoy ang hibang sa Avengers: Endgame.

NOEL FERRER: Grabe ang impact nitong Avengers: Endgame!

Ang worry ko lang ay ang susunod na ganitong roadblock na film—ang Star Wars: The Rise of Skywalker on the first week of January next year after the Metro Manila Film Festival.

Continue reading below ↓

Nakakatakot iyan because... will that mean that the big MMFF earners will no longer have theaters for their extension?

Walang ibang palabas na pelikula ngayon sa local theaters aside from Avengers: Endgame, di ba?

GORGY RULA: I-endgame mo na ang kahibangan mo sa Avengers: Endgame, Sir Jerry!

OA na!

Papanoorin naman namin iyan dahil wala kaming ibang puwedeng mapanood sa mga sinehan.

Hinihintay na rin namin ang Mayo 1 para sa Maledicto na tuloy pa rin daw ang showing nila sa Labor Day.

Tigilan na ninyo ang pagiging maledikta kung rave na rave ninyo ang pakikipagbakbakan nina Iron Man, Thor, at Captain America kay Thanos!

Tama na!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results