JERRY OLEA: "It’s a tie! It’s atay and balun-balunan!"
Bulalas iyan ni K Brosas nang mag-present ng award sa kategoryang best editing sa 67th FAMAS Gabi ng Parangal, nitong Abril 28, Linggo, sa Meralco Theater, Pasig City.
Tabla kasi sa best editing sina Hiyas Baldemor Bagabaldo (Pag-ukit sa Paniniwala) at Lawrence S. Ang (Kung Paano Siya Nawala).
Tabla rin sina Eddie Garcia (ML) at Victor Neri (A Short History Of A Few Bad Things) bilang best actor.
Waley sa awards night si Victor—patunay na walang leakage sa FAMAS.
Kuwento ni Eddie, who is turning 90 years old on May 2, Thursday, "Let me tell you a little story that happened in the late ‘60s and the ‘70s.
"Well, a lot of award-giving bodies, or awards by cities in the Philippines were in existence.
"And one of them was the Manila Film Festival. I had an entry then, for Nueva Vizcaya, which luckily I won the best supporting actor award.
"After a couple of days, I was in a coffee shop, sipping coffee, and an elderly lady approached me and said, ‘Congratulations, Manoy, nanalo ka pala ng FAMAS!’
“Kako, ‘Manang, hindi FAMAS. Manila Film Festival.’ ‘Ahh, gano’n ba? Akala ko, ang lahat na pinarangalan sa pelikula, FAMAS.’
"So, FAMAS, keep it up! You are THE awarding body and the industry needs you."
Nagpalakpakan ang audience, at idinagdag ni Manoy, "Thank you again, FAMAS, and I’m dedicating this trophy to the lady in red, my lucky charm, Lilybeth!"
NOEL FERRER : May panggaggalingang family gathering ang alaga nating si Victor Neri na late nang natapos kaya hindi na siya nakasunod sa Meralco Theater.
Oo, wala talagang leakage. At talagang totally unexpected pati na sa isa ko pang talent na si Adrienne Vergara na best supporting actress sa Dog Days.
This new FAMAS is really doing things right. From their special citations with very special notes on their achievements to the conduct of their awards.
Para talaga silang Urian in terms of credibility. But actually, they seem to be more thorough and present in the industry now!
Congratulations sa Team ni Ricky Lee sa mga pagbabagong ganito!
JERRY OLEA: Nasa Hall of Fame na si Eddie ng FAMAS bilang best actor, best supporting actor, at best director.
Balewala na ba ang Hall of Fame kaya na-nominate at nanalo muli si Eddie?
"I think, puwede pa ring magbigay ng Hall of Fame pag nakakalimang award and at the same time, qualified sila para hindi sila ma-deprive, kung mahusay ka," sabi ni Ricky Lee, na pinuno ng inampalan sa dalawang taon na "nagbihis" ang FAMAS.
First time ito na ang isang Hall of Famer na best actor ng FAMAS ay nagwagi na naman.
"And we should be happy. And we should be proud na ang isang maraming beses nang nanalo at Hall of Famer ay lumalaban pa rin!" bulalas pa ni Ricky Lee.
"At napapagunayan na kaya niyang makipagsabayan sa bagong generation ng mga aktor.
"So, how interesting and how nice na ganoon ang mga artista natin!"
Maliban kay Eddie, tatlo pa ang nasa FAMAS Hall of Fame bilang best actor — sina Joseph Estrada, Fernando Poe Jr., at Christopher de Leon.
Tatlo ang nasa Hall of Fame bilang best actress—sina Charito Solis, Vilma Santos at Nora Aunor.
Bukod-tangi si Eddie Garcia na nasa Hall of Fame bilang best supporting actor.
Bukod kay Eddie, ang isa pang direktor na nasa Hall of Fame ay si Lino Brocka.