Joem Bascon, dinedicate ang FAMAS award sa girlfriend na si Crisha Uy

Joem Bascon, dinedicate ang FAMAS award sa vlogger girlfriend
by PEP Troika
Apr 29, 2019
PHOTO/S: @basconetti Instagram

JERRY OLEA: Tila hindi maapuhap ni Joem Bascon kung ano ang sasabihin nang tanghalin siyang best supporting actor para sa Double Twisting, Double Back sa 67th FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) Gabi ng Parangal.

Ginanap it nitong Abril 28, Linggo, sa Meralco Theater, Pasig City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ahh... Pasensya na po... Nawawala yung boses ko," napapabungisngis na pasakalye ni Joem

Dagdag niya, "Ahh... Thank you. Ahh... Unang-una po, maraming-maraming salamat sa FAMAS, sa lahat ng bumubuo at binigyan niyo po ng... itong blessing na 'to sa buhay ko.

"Ahh... Ano ba ang sasabihin ko? Napakahirap po kasing maging artista, maging aktor.

"Dumadating po tayo, aminin natin sa buhay natin, minsan, wala tayong trabaho. Kailangan nating mag-audition.

"Kailangan nating maghintay magkaroon ng oportunidad at gumawa ng napakagandang role.

"Pero minsan, hindi ibibigay sa 'yo ng Panginoon kahit ibigay mo 'yong buong puso mo.

"Pero kahit na ganoon, parang, maghintay ka lang, ibibigay pa rin sa 'yo sa ibang pagkakataon yung paghihirap mo sa buhay..."

Nagpasalamat si Joem sa direktor at producer ng Double Twisting, Double Back, pati sa manager niyang si Direk Jerry Lopez-Sineneng.

Gumaralgal ang boses ni Joem nang ilahad ang palaging sinasabi sa kanya ni Direk Jerry:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ang pagiging artista, paghihintay yan, e.

"Hindi lang sa set, na hinihintay mo yung cue mo o yung eksena mo, pati yung oportunidad sa pagkakataon na yung break mo...

"Kailangan mo siyang hintayin. Kasi, hindi pare-pareho ang panahon mo.

Pero kailangan mo lang talaga siyang hintayin na ibigay sa 'yo."

Dinedicate rin ni Joem ang kanyang award para sa vlogger girlfriend niyang si Crisha Uy.

"At sa girlfriend ko na laging nandiyan, kay Crisha, para sa 'yo 'to. Dahil sa pagtitiis mo sa akin habang ginagawa ko ang pelikulang ito. Thank you!"

NOEL FERRER: Congratulations kay Joem Bascon who didn’t win in the Cinema One Originals Awards, but has been vindicated sa FAMAS kung saan mas marami siyang kalaban sa best supporting actor category.

Ganoon din sa talents nating sina Victor Neri (A Short History Of A Few Bad Things) na natalo sa Cinema One Originals at kay Adrienne Vergara (Dog Days) na natalo rin sa QCinema Film Festival naman sa acting categories nila doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bumawi naman sila dito sa FAMAS. Patunay rin lang na iba-iba ang taste ng jurors.

In any case, a good performance will always be remembered. And with a highly credible FAMAS award, may seal of approval na ang mga nagsipagwagi!

GORGY RULA: Deserved ni Joem ang award. Magaling siya sa Double Twisting, Double Back kasama si Tony Labrusca.

Dapat noon pa siya naparangalan sa galing niya sa pag-arte. Mabuti at napansin na siya sa FAMAS.

Sa Cinema One Originals ay talo si Joem. Ang nagwagi roon ay si Alwin Uytingco para sa Asuang.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @basconetti Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results